ANTI-DYNASTY BILL: KAMANGMANGAN
MASELAN din ang isyu hinggil
sa Anti-Dynasty bill.
Marami ang hindi nakakaunawa
nito.
Kapag pinagtibay ang
panukalang batas na ito, lalabas na HINAHATULAN agad natin ang “isang tao”
batay sa “personalidad” ng ibang tao.
Kung gayon, hindi makatao ang
“batas na ito”.
Wala tayong karapatan na
“SAGKAAN” ang karapatan ng isang indibidwal batay sa “kanyang dugo o lahi”.
Hindi ito nalalayo sa
“diskriminasyon”.
Ang isang PAMILYA—ay
maikukumpara rin sa isang “lahi o nasyon”.
Ibig sabihin, para mo na ring
sinabi na hindi puwedeng “mamuno” sa Pilipinas nang magkasunod na taon—ang
isang BIKOLANO o isang Ilocano o isang Tagalog o isang Bisaya.
Hindi ba’t isang klase rin
yan ng “racial discimination”?
----$$$-
BUKOD dito, hinahatulan agad
natin na kapag “masama ang ama o anak, MASAMA ang lahat ng kanilang
KAMAG-ANAK”.
Hindi tama ang ganitong klase
ng pagtingin sa pagkatao ng isang inbidwal.
Ang panukalang pagsasabatas
ng “anti-dynasty bill”---kahit pa itinatadhana ng Konstitusyon—ay isang
KAMANGMANGAN.
Ang naturang probisyon sa
Konstitusyon ay “bunga lamang ng pagkamuhi” ng mga may-akda nito sa isang
PAMILYA na inaakala nilang magdidikta ng liderato sa ating bansa.
Kung ang isang desisyon—ay
bunga ng GALIT, MUHI o INGGIT—isang paglabag ito sa “karapatan ng bawat
nilalang” na maging patas sa pagtingin ng kapwa tao.
-----$$$---
ISANG negatibismo ito o
PESIMISTIKONG pananaw.
Inaakala ng ilan na laging
MASAMA ang bawat tao at ang grabe, hinahatulan din masama ang KAMAG-ANAK.
Sa tradisyon at kultura sa
iba’t ibang sibilisasyon—ay HINDI IMORAL na maluklok sa puwesto ang
magkakalahi.
Kung susuriin ang kasaysayan
at maging ang kasaysayan sa Bibliya, MAS MORAL—na maging lider ng isang nasyon—ang
kadugo ng mga naunang lider.
Ibig sabihin, mas WALANG
BATAYAN ang “anti-dynasty bill” kompara sa pagpapalit ng lider—batay sa
DAYNASTIYA.
-----$$$---
SA bibliya at sa ibang
kasaysayan, talagang INUUGAT kung sino ang kalahi ng mga NAUNANG LIDER upang
siya ang SUPORTAHAN ng nakararaming
mamamayan.
Iyan din ay suportado ng
SIYENSIYA.
Sa prinsipyo ng GENETICS, ang
genes na nanalantay sa isang lahi ay maaaring sabihin—GENES ng mga DAKILANG
LIDER.
Kung gayon, labag sa tradisyon at labag sa SIYENSIYA ang
“anti-Dynasty bill”.
Maunawaan sana ito ng ordinaryong mamamayan partikular
ng mga MAMBABATAS.
(BISTADO ni Ka Ambo column, Bulgar
newspaper, Oct. 27, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo
on twitter/ 09173525272)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home