CARDINAL TAGLE:1ST FILIPINO POPE
NAKAMAMANGHA ang natatanggap
na biyaya ng Pilipinas sa larangan ng ispiritwalidad pero dinededma lang ng
maraming Pinoy.
Matapos, ideklara ng Vatican
City bilang pinakabagong BANAL o SANTO ng Simbahang
Katoliko si San Pedro Calungsod, iginawad naman ni Pope Benedict VI ang
pagiging CARDINAL kay Manila Archbishop Luis Antonio Tagle.
Sa edad 56, si Tagle ay
naging ikalawang pinakabatang Cardinal kung saan paboritong maging SANTO PAPA
sa mga susunod na panahon.
Maging si Tagle ay nasorpresa
nang ihayag ni Pope Benedict na siya ay hinihirang niyang Cardinal at personal
niyang kinatawan sa Synod of Bishops kung saan nakatokahang mag-pormula ng
napapanahong doktrina ng Simbahang Katoliko.
Ipinakita ni Tagle na hindi
nagkamali ang Santo Papa sa pagpili sa kanya bilang bise presidente ng
kumbensiyon ng mga bishop sa buong daigdig nang himukin niya ang mga dumalo
dito sa iisang prinsipyo sa paglalaganap ng ebanghelyo.
Buong ningning niyang hinimok
ang mga dumalo na yakapin ang prinsipyo ng PAGPAPAKUMBABA bilang pinakamatalas
na armas sa pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos.
Binigyan-diin ni Tagle na ang
pagpapakumbaba at taimtim na pagdama ng pangangailangan ng mga deboto ang
siyang pinakamabisang kasangkapan sa pagpapalaganap ng doktrina ni Hesukristo.
Hiniling niya sa lahat na
aminin ang mga pagkukulang, humingi ng patawad sa mga pagkakasala at iwasan ang
paghahambog at paging arogante ng mga desipulo ng Simbahang Katoliko upang mabilis na maikalat
ang ebanghelyong ipinangangaral mismo ni Hesus.
Dahil dito, marami ang
nagsasapantaha, na sa malaon at madali, magiging paboritong aspirante si Tagle sa puwesto iiwanan ni Pope Benedict VI
sa mga susunod na panahon.
Sa iyo, Cardinal Tagle.
Haleluyah, Kasihan ka nawa ng Panginoon!!!
(EDITORIAL ni Ka Ambo, Bulgar newspaper, Oct. 26, 2012
issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo
on twitter/ 09173525272)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home