Monday, August 20, 2012

Aug. 21: Baluktot na kasaysayan



HOLIDAY ngayon, kasi’y araw ng kamatayan ni dating Sen. Ninoy Aquino.
Batay sa mga historyador na anti-Marcos, ang asasinasyon kay Ninoy noong Agosto 21, 1983—ay siyang mitsa ng pagbagsak ng kanyang administrasyon.
Isa tayo sa hindi naniniwala dito.
Bakit?
Sapagkat yan ay paniniwala at nakahapay pabor sa mga anti-Marcos.
Bilang isa ang inyong abang-lingkod na organic part ng naturang gobyerno mula 1975 hanggang 1986—masasabi ko na dapat din nating pakinggan ang kabilang panig upang maunawaan natin ang KASAYSAYAN at istorya sa likod ng kasaysayan.
Taliwas sa paniniwala ng lahat, ang panghihina ng Rehimeng Marcos—ay hindi nagsimula sa asasinasyon kay Ninoy noong 1983 , bagkus ang naturang eksena ay bunga ng PANGHIHINA ng administrasyong Marcos noong 1981.
Batay sa mga record, mismo si PNoy ay hinikayat ng ilang oposisyon na umuwi sa Pilipinas dahil may sakit umano si Marcos at maaring bawian ng buhay anumang oras---ibig sabihin, uuwi ang ama ni PNoy—dahil AKTUWAL nang mahina ang gobyerno ni Marcos!
Walang debate dyan.
Batay mismo sa deklarasyon ng isang dating kongresista sa Ilokos na kapwa kaibigang matalik nina Marcos at Ninoy, gustong umuwi ng dating senador dahil mahina na ang kalusugan ni Marcos, at siyempre, mahina na rin ang kanyang administrasyon.
Sa puntong ito, paano HIHINA—ang talaga namang mahina na?
Ibig sabihin, kahit hindi napatay si Sen. Ninoy ay talagang papahina na ang hawak sa PODER ni Marcos—at yan ang nais kong MAUNAWAAN ng mga kabataan ngayon na inililigaw ng mga HISTOYADOR na anti-Marcos at pro-Aquino.
Hindi ang asasinasyon ni Ninoy noong Agosto 21,m 1983—ang mitsa o simula ng panghihina ng poder ni Marcos, bagku ito ay BUNGA (imbes mitsa) ng aktuwal na panghihina ng Rehimeng Marcos.

-----$$$--
SA totoo lang, kahit kayo magsaliksik, ang panghihina ng Rehimeng Marcos ay hindi nag-ugat sa asasinasyon ni Sen. Ninoy (na umuwi dahil sa power play na sintomas ng humihinang gobyerno), bagkus ay teknikal itong nanghina—nang ALISIN ang epekto ng Batas Militar mismo noong Enero 17, 1981 sa bisa ng Proclamation 2045.
Matapos mag-plebisito, nagtakda ng presidential election noong Hunyo 16, 1981 at nakalaban niya si dating Bulacan Governor at  World War II hero Alejo Santos.
Ang lakas at kapangyarihan ni Marcos ay teknikal nakapundasyon sa Batas- Militar—at nang tanggalin niya ito—ay unti-unting humina ang kanyang poder, pero hindi yan binabanggit ng mga HISTORYADOR, bagkus patuloy nilang pinaniniwala ang mga kabataan na ang pagkamatay ni Ninoy ang nagpahina sa poder.

----$$$--
BAKIT  KUSANG INALIS ni Marcos ang epekto ng Batas Militar noong 1981?
Ito ay upang pagbigyan at makumbinse ang Santo Papa na si Pope John Paul II na dumalaw sa Maynila noong Pebrero 17, 1981—isang buwan matapos i-LIFT o tanggalin ang Martial Law.
Pagbibigay-tuwa din ito  ni Marcos sa bagong upong si US President Ronald Reagan.
Ang petsa kung kailan inalis ni Marcos ang epekto ng Batas Militar ay iniiwasang paluntangin dahil ayaw palabasin na ang PAGKUKUSA ni Marcos na alisin ang bisa ng Martial Law—ang TUNAY NA MITSA ng kanyang pagbagsak.
Sa puntong teknikal, malinaw at aktuwal na nanghina ang poder ni Marcos nang mawala ang epekto ng Martial Law na sinabayan ng paglakas ng grupong oposisyon na nag-aaway-away naman sa iba’t ibang paksiyon.
Pinagrabe ang sitwasyon ng ulat ng PAGHIHINA ng kalusugan ni Marcos na dumanas ng lupus at sinasabing nagda-dialysis sa basement ng Malacanang.
Iyan ang eksena nang magkusang magbalik si Sen.Ninoy sa Pilipinas—sa iisang motibo: Makipag-agawan sa poder na maaring bakantehin ng maysakit na si Marcos.
Mismong ang US intelligence service ang nagkumpirma kay Ninoy na mahina ang kalusugan ni Marcos.
At batay sa testamento ng dating kongresistang malapit sa dalawang politiko, nakakapag-usap nang maayos sina Marcos at Ninoy kung saan tatangkain ng dating senador na ilipat sa kanya ng Presidente nang maayos at mapayapa ang gobyerno—bago ito MAAGAW ng mga rebeldeng KOMUNISTA na nakaporma na sa iba’t ibang panig ng MetroManila.
Isa sa motibo ng PAGBABALIK  ni Ninoy ay makausap si Marcos sa Malacanang para sa isang payapang transisyon, pero hindi ito naganap.
Isa ito sa mga detalyeng inililihim at ipinagkait sa KABATAANG PILIPINO na  biktima ng mga propaganda laban sa Pamilya Marcos.
(BISTADO column ni Ka Ambo, Bulgar Newspaper, August 21, 2012.UNEDITED.CC: bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272.)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home