Robredo, Nantes, Ninoy:Dalamhati ni PNoy
MASELAN ang sitwasyon ni PNoy
kompara sa iba pang naging presidente ng Pilipinas.
Kasi’y dalawang matalik
niyang kaibigan ang NABIKTIMA ng aircraft crash mula nang magwagi siya noong
Mayo, 2010.
Naunang namighati si PNoy
nang sumabog at bumagsak ang helicopter na sinasakyan ni dating Quezon Governor
Rafael Nantes ,
ilang araw lang matapos siyang ideklara na nagwagi sa eleksiyon noong 2010.
Kung nabubuhay pa si Nantes ay maaaring isa
siya sa konpidante at gabinete ni PNoy dahil may mahalaga siyang ginampanang
papel bilang HALIGI ng Liberal Party tulad din ni DILG Secretary Jesse Robredo.
Hanggang kahapon ng hapon,
hindi pa rin nakikita ang bangkay ni Robredo na
pinaniniwalaang kasamang lumubog ng 4-seater plane sa karagatan ng Masbate .
Nang madisgrasya si Nantes , patay din ang
dalawang piloto at dalawang bodyguards.
Taliwas naman sa kaso ni
Robredo, himalang nakatalon at nakaligtas ang kanyang bodyguard pero kasamang
nawawala ang dalawang piloto.
Sa panig ni PNoy, mahirap dalhin
ng kanyang emosyon ang dalawang kalungkutang ito sa panahon ng kanyang
administrasyon.
Pero, ang pait at hapdi ng
pagyao sa malagim na eksena ng kanyang dalawang matalik na kaibigan sa loob ng
tatlong taong singkad ng kanyang administrasyon ay hindi pa rin madadaig ng
lungkot na dinanas ni PNoy nang mabaril at mapatay ang kanyang ama noong Agosto
21, 1983.
Ang malalagim na pagkamatay ng tatlong tao na malalapit sa
kanyang puso ay ipagdasal nating malampasan ni PNoy dahil nananatili siya ang
may kontrol sa poder na tuwirang nangangasiwa sa ating pamahalaan.
Sa araw na ito, sa kamatayan
ni dating Sen. Ninoy, walang duda, ipinagdarasal din niya ang sinapit na
sitwasyon ng dalawa niyang matalik na kaibigan.
Samahan natin si PNoy sa
panalangin na malampasan niya ang matinding pagsubok na ito sa kanyang
administrasyon.
EDITORIAL ni Ka Ambo, Bulgar Newspaper, August 21,
2012.UNEDITED.CC: bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272.)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home