TUWID NG DAAN NG MGA MAYAYAMAN
WALANG puso ang
administrasyong Aquino.
Kasi’y hindi ito natitinag sa
planong isapribado ang mga government
hospitals.
Nagrereklamo hindi lang ang
mga tao mula sa hanay ng mga nagdarahop kundi maging ang mga hospital personnel
na madidispalinghado ang maayos na paghahanap buhay.
Sa panahon ng administrasyon
ni dating Pangulong Marcos, takbuhan ng mga mahihirap ang mga government
hospital na East Avenue
Medical Center; Philippine Heart Center ; at
Philippine Orthopedic Center pero ngayon ay binabalak itong isapribado.
Hilong talilong ang mga
hospital workers kabilang ang mga doktor, narses at ordinaryong kawani dahil
sakaling ibenta ito sa pribadong sektor, walang duda na mawawalan
sila ng matatag na mapagkakikitaan.
Ang kanilang termino o
pagtatrabaho nang matagal sa naturang establisimyento ay mauwi sa abo at
madidiskaril din ang kanilang hinaharap kung saan tuwirang apektado ang mga
umaasa sa kanila na miyembro ng pamilya.
Ang mga pasyente namang mula
sa hanay ng mahihirap ay hindi na magagawang mabiyayaan ng serbisyo sa mga
naturang ospital dahil wala silang kakayahang magbayad nang malaki.
Lalabas ngayon na ang mga
dating ospital na pag-aari ng gobyerno ay makokontrol na ng mga negosyante na
ang tanging hangad ay magkamal ng salapi at hindi upang saklolohan ang mga may
sakit.
Nagaganap ito kasabay din ng
pagpapahintulot ng administrasyong
Aquino sa mga state universities and colleges na maningil din ng singil sa mga
estudyante na dati-rating nabibiyayaan ng libreng pag-aaral.
Kung ang mga dating
government hospital at government schools ay pinapayagan nang maningil, saan
direksiyon patungo ang Tuwid na Daan?
Hindi ba’t ito ay daan pabor
sa mga mayayaman imbes na pabor sa mga nangangailangan?
(EDITORIAL ni Ka Ambo, Bulgar newspaper, Oct. 27, 2012
issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo
on twitter/ 09173525272)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home