PASKO KINANSEL NG MALACANANG
MAGANDANG at PANGIT na balita.
Una, ang magandang balita,
mag-aambag ang mga taga-Malacanang ng malaking halaga sa mga biktima ng Bagyong
Pablo.
Ikalawa, ang pangit na
balita, KINANSEL ng Malacanang ang PASKO, este ang Christmas Party sa mga
opisina.
Layunin nito na ang badyet na
nakalaan sa magagarbong X’Mas Party ay ido-donate na lamang sa Mindanao upang masaklolohan ang mga biktima ng kalamidad.
Sa totoo lang, batay sa mga
ulat sa telebisyon—namamalimos ang mga biktima.
Hinahampas lupa pa ng DWSD
dahil kailangan munang magrehistro bago bigyan ng PAGKAIN.
Sa tinatagal ng trahedya at
sa karumaldumal na sitwasyon, hindi nakokonsensiya ang mga awtoridad na
mabiktima ng RED TAPE o mabagal na pagbibigay ng pagkain ang mga biktima.
Nakakaawa ang mga biktima.
Nawalan ng ari-arian, naulila
at hindi alam kung saan kukuha ng pagkain.
Marami dito ay nasa ilalim pa
ring trauma.
Pero, walang kongkretong
pagtulong ang gobyerno.
Kahit ang pautot na
pagkansela ng X’Mas party ay malinaw na PAMBOBOLA lamang sa publiko.
Bakit hindi maglaan ng
MILYON-MILYONG BADYET mula sa discretionary fund ng Malacanang para direktang
bigyan ng libreng pagkain ang mga biktima, magtayo ng mga health care center at
ampunin ang mga NAULILANG MENOR-DE-EDAD.
Magpa-PASKO, paano na ang mga
biktima ng naturang kalamidad?
(EDITORIAL ni Ka Ambo, Bulgar newspaper for Dec. 11, 2012
issue. UNEDITED. Bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/
bistadoniambo on twitter/ 09173525272)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home