PROFESSIONAL BOXING IS ALL ABOUT THE MONEY
MARAMI ang nag-text at natuwa
sa ginawa nating paglilinaw kaugnay ng pagkatalo ni Manny Pacquiao.
Ayaw kasi nilang MARINIG na
“totoong natalo” si Pacquiao.
Batay sa ating paliwanag
kahapon, “HINDI TOTOONG TALO” si Pacqoiao—at yan ang kanilang IKINATUWA.
Ikinatuwa nila, dahil MATAAS
PA RIN ang pagkilala nila sa KAKAYAHAN (boxing skill) ni Pacquiao.
Idinidikit kasi natin ang
“PAGKATALO” ni Pacquiao—hindi sa kawalan o kahinaan o pagkalaos
ng SKILL, kundi dahil sa isang “BEHAVIOR” o “ATTITUDE” o “PROFESSIONAL
DECISION” na ipapaliwanag natin sa
ibaba.
Nais nating linawin na hindi
tayo kritiko ni Pacquiao, bagkus ang kolum na ito ay HUMANGA sa kanyang
“pag-LEVEL-UP” ng kanyang boxing skills.
Wala kayong naririnig sa mga
sports analyst na UMANGAT ang boxing skill ni Pacman, maliban sa kolum na ito.
-----$$$--
PERO, marami pa rin ang hindi
nakakaunawa sa ating paliwanag.
Hindi nila nauunawaan ang
pangyayari—kasi’y itinuturing nila na ang “BOXING SA LAS VEGAS ” ay isang totohanan o isang seryosong
SPORTS EVENTS tulad ng Olympic Games.
Kapag ang boxing sa Las Vegas ay itinuturing
nating tulad sa Olympic Games—tiyak na magkakamali tayo ng paga-analisa.
At delikadong ma-MISINTERPRET
natin at kamuhian si Pacquiao batay sa ating paga-analisa na “hindi totoong
pagkatalo” ang kanyang sinapit sa kamay ni Marquez.
Pero, kapag sinabi nating ang
boxing sa Las Vegas
ay isang totohanang PROFESSIONAL BOXING na hindi nalalayo sa PROFESSIONAL
WRESTLING—ay madali nating mauunawaan ang “sinapit ni Pacquiao” o naging
“DESISYON” ni Pacquiao sa naturang laban.
-----$$$--
ANO ba ang PROFESSIONAL BOXING
at PROFESSIONAL WRESTLING?
Dati-rati ang professional
wrestling ay kinikilala ring lehitimong sports events sa America .
Malalaki ang PROFESSIONAL FEE
sa pro-wrestling at kung hindi tayo nagkakamali, may pagkakataon na
isina-SANCTION o kinikilala ito ng Nevada Athletic Commission.
Pero, sa bandang huli, nang
matuklasang “ensayado o scripted ang mga eksena”, ipinagbawal na ang paggamit
ng “World Wrestling Federation (WWF) sa titulo nito, bagkus ay isiningit ang “E” kapalit ng “F” kaya’t naging
World Wrestling Entertainment (WWE) na ang ibig sabihin—ay ano?
Hindi lehitimong sports ang
PROFESSIONAL WRESTLING.
Pero, tumatanggap pa rin sila
ng dambuhalang PROFESSIONAL FEE.
-----$$$--
ANG professional boxing sa America ay isang INDUSTRIYA sa Las Vegas. , Nevada .
Hindi nila puwedeng ideklara
ito na “entertainment” tulad sa WWE bagkus ay kailangang maituring pa rin isang
PROFESSIONAL SPORTS upang maingatan ang “gambling-sports” sa Gambling Capital
of the world.
Kapag sinabing
“PROPESSIONAL”—iisa lang ang ibig sabihin nito, PERA-PERA lang.
Kumbaga, KUWARTA ang No.1
priority dito.
Kung saan TATABO ang promoter, boxer at US authorties—yung ang
PRAYORIDAD.
Kung gayon, ang PANALO o TALO—bilang
resulta ng BOXING SA LAS VEGAS —ay
segundarya lamang.
Sa puntong iyan, dapat nating
maunawaan si Pacquiao.
Hindi mahalaga ang MANALO o MATALO, ang mahalaga ay
MAGKAMAL NG SALAPI.
Pangit pakinggan, pero yan
ang KATOTOHANAN na dapat nating maunawaan at LUNUKIN.
Ayon mismong kay Pacquiao:
“Bahagi ng boxing ang matalo”.
Iaayos lang natin nang
bahagya at mas-angkop na ipinahihiwatig ng kanyang “SUB-CONCIOUS”—“Ang
PAGKATALO ay bahagi ng PROFESSIONAL BOXING”.
Itutuloy natin ang diskusyon
dyan sa susunod na araw.
(BISTADO ni Ka Ambo, Bulgar newspaper,
Dec. 12, 2012 issue, UNEDITED, CC: bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on
twitter/ bistadokamao@yahoo.com/
09173525272).
0 Comments:
Post a Comment
<< Home