Monday, September 26, 2005

bird flu

Bistado (27Sep05)


NAGPA-PANIC na ang Indonesia sa BIRD FLU PANDEMIC.
Maari itong lumipol ng milyon-milyong katao sa buong mundo.

---$$--
INAMIN ng gobyerno na binabalak nilang KONTROLIN ang mga PRIBADONG NEGOSYO upang maagapan ang krisis gamit ang EMERGENCY POWER ni Ate Glo.
Huhhhh, MARTIAL LAW din yan.

----$$---
SISIMULAN na ang serbisyo ng FERRYBOAT sa Pasig River next year.
Mayroon na namang TATABO sa KONTRATA.

---$$---
SINIBAK ang DEAN ng College of Law sa UP dahil sa pagiging anti-GMA.
At sinisante rin ang isang EXECUTIVE sa Department of Education (DepEd) na tumangging magpagamit sa paglalabas ng PAYOLA sa isang kongresista kaugnay ng impeachment proceedings.
Sino ang may sabing DEDBOL NA SI MARCOS?

----$$--
WALA raw BIRD FLU sa Pilipinas.
Sa ngayon!

---$$--
PERO, ano ang nangyari sa ulat na nagkaroon ng BIRD FLU ang mga ITIK sa Bulacan?
He, he, he, NO COMMENT daw.

---$$--
IPATUTUPAD daw ang “No Permit, No Rally” policy.
Huhhh, kailangan pa bang i-MEMORIZE yan?

----$$--
KUMPIRMADONG wala nang JUETENG.
Nasapawan na ito ng VIDEO KARERA.

-----$$$---
NAG-PEOPLE’S POWER ang libo-libong Kano upang kontrahin ang PANGGIGIYERA ngf US sa Iraq.
Malapit nang maga-ala-Marcos si US Prez George Bush.
Mapapatalsik dahil sa pagiging MASKULADO.

----$$--
MAYORYA ng mg ARABS ay namumuhi sa KANO dahil sa pagsisiga-sigaan ni Bush.
Siya ngayon ang itinuturing na BAGONG HITLER.

----$$--
SABIT-NA-SABIT ang Malacanang sa $75,000 A MONTH PR CONTRACT upang maisulong ang Charter Change.
Hulaan ninyo kung saan galling ang KUWARTA?
Hindi kaya sa JUETENG O DROGA?

----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home