Sunday, September 25, 2005

wasak

Bistado (26Sep05)

NAHAHATI na rin ang hanay ng mga lider ng Simbahang Katoliko
kaugnay ng isyu laban kay GMA.
Siyempre, marami rin kasing BISHOPS ang mahilig sa kuwarta.

----$--
ITINUMBA ang lider ng mga UNYONISTA sa Nestle Philippines.
Tsk, tsk, tsk, larawan ito ng mga EKSENA
bago magdeklara ng Batas Militar.

----$$--
IBINUNYAG ng isang Cardinal ang detalye ng “election”
sa pagka-Papa ni St. Benedict XIV na ipinagbabawal ng Vatican.
Isang halimbawa ito ng KAHINAAN ng Simbahan.

-----$$$--
SISIMULAN na ang IMBESTIGASYON kaugnay ng kaduda-dudang kontrata
sa North Rail Transit mula Kalookan hanggang Malolos City.
Huhhh, mukhang madadale dito si Kuneho.

----$$--
ISANG mayor sa Bicol ang kinasuhan sa Ombudsman
kaugnay ng jueteng operations sa kanyang bayan.
Ano kaya ang sey dito ni Mayor Edward Hagedorn?

----$$--
OBVIOUS ang pakikialam ng mga Kano sa internal affairs ng Pilipinas.
Kaya pala ninenerbiyos na si Ate Glo.

-----$$--
NAGPA-PANIC ang Indonesia dahil sa pagkakawaha ng mga tao
sa avian influenza na mas kilala bilang BIRD FLU.
Ilang metro lamang ang layo ng Indonesia sa Mindanao.
Iyan na ang totoong KALAMIDAD.

-----$$---
PANIBAGONG gulo ang lilikhain ng pagkakakulong ni
Security Adviser Norberto Gonzales mula s autos ng Senado.
Ayaw talagang TANTANAN ng problema si Gloria Labandera.


-----$$--
AYON kay Rep. Imee Marcos, INUUTO lamang ng Malacanang ang kanyang nanay na si Madame Meldy na pinangakuan na ipalilibing na si Apo Makoy sa Libingan ng mga Bayani.
Si Rep. Imee naman kaya ay nakakatiyak na hindi siya NAUUTO ng oposisyon?

-----$$--
IBUBUWAL na ang mga punong kahoy sa kahabaan ng Panay Avenue
upang mapaluwag ang trapiko sa Timog at Edsa Avenue.
Talagang gusto nilang MATIKMAN ang galit ng kalikasan.

----$$--
MALAPIT na ang Southeast Asian Games kung saan magho-host ang Maynila.
Pero, hindi pa rin ayos ang mga pasilidad.
Katakot-takot na sisihan yan sa Nobyembre at Disyembre.

----$$$---
UMIIYAK ang mga traysikel drayber.
Wala nang kinikita ang mga nagbo-BOUNDARY ng P100 kada araw.
Libo-libong tsuper ngayon ang NAGUGUTOM.

----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home