Monday, September 26, 2005

pandaigdigang epidemya

Editorial (27Sep05)


HINILING ng Indonesia sa buong daigdig na tumulong upang makontra ang bird flu pandemic na maaaring mapatay ang milyon-milyong katao sa iba’t ibang bansa.
Hindi makontrol ng Indonesia ang epidemya ng bird flu kaya’t inalerto nito ang 30 lalawigan kung saan milyon-milyong manok ang napeste at may dalawang bata na ang namatay bukod pa ang 17 kataong iniobserbahan.
Umabot na sa 63 katao ang namatay sa bird flu noong nakaraang taon at karaniwang nagmula ito sa Vietnam at Thailand.
Hindi nalalayo ang Pilipinas sa Indonesia, Vietnam at Thailand dahil nakapagitan lamang ang karagatan na maaaring liparin ng mga migratory birds na karaniwang naglalakbay mula sa buwan ng Oktubre hanggang Enero.
Naniniwala ang mga ekperto na maaaring maganap ang isang world epidemic anumang araw at nakikita nilang ito ay may malaking tsansa na magmula sa bird flu virus kaya’t pinag-iingat ang buong daigdig.
Sa Pilipinas, iniulat na nakapasok ang bird flu virus noong Hunyo sa isang duck farm sa Bulacan pero natuklasan may mahinang klase lamang ito ng strain.
Wala pang natutuklasan vaccine kontra sa bird flu virus dahil bibilang ng taon bago makagawa nito dahil ibinabatay ito sa aktuwal na “strain” na mabilis na nagbubuo sa panahon ng epidemya.
Bago makatuklas ng vaccine, malilipol muna ang milyon katao kaya’t ito ang kinatatakutan ng mga eksperto higit sa nuclear bomb at pag-atake ng mga terorista na ipinamba-BLACKMAIL ng United States.
Nakapagtatakang hindi kumikilos ang US at Britain upang sugpuin ang bird flu gayong mabilis na malilipol ang mga sundalo kapag ito ang umatake sa kanilang mga kampo.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home