Tuesday, October 25, 2005

buwaya

Bistado (26Oct05)



TINANGGIHAN ni Ate Glo ang snap election.
Siyempre, KAWMANYUNNN!

---$$--
NAG-ALOK siya ng Coalition Government.
Gobyernong maaaring paghatian ng kapwa niya BUWAYA.

--$$---
PINAGBAWALAN ni Justice Secretary Raul Gonzales ang isang reporter na mag-COVER sa DOJ.
Walang JUSTICE sa JUSTICE Department.

----$$---
TUMAAS pa nang 50 sentimos kada litro ng gasoline at 50 sentimos din kada kilo ng LPG.
Pukawnamoooooo!

----$$--
AYON sa Consultative Commission (ConCom), hindi sila RUBBER STAMP.
Pero, hindi naman nila itinanggi na ang kanilang MUKHA ay YARI MULA SA MAKAPAL NA GOMA.
Mga sepsepppppp!

-----$$--
INAMIN ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na siya ay isang MEDIA-ASAR.
Buti alam ninyo, noh?
May “TAMA” ka nyan, Sec. Bunye!
May TAMAAAAAA kaaa!

------$$--
NAGKAKAGULO ngayon sa CHED (Commission on Higher Education) dahil nag-aagawan sa puwesto ang tatlong HEPE.
He, he, he, mistulang agawan ito ng GUTOM-NA-GUTOM na bayakan.

------$$--
MAY lumabas na MEMORY TABLET na isang food supplement.
Epektib daw ito.
Iyan ay kung hindi ninyo MALILIMUTANG INUMIN.


----$$---
NAKAPAGTATAKA ang SSS, GSIS at mga bangko na nag-aalok ng HOUSING LOANS.
Kailangan daw ay may TITULO ka ng lupa at bahay.
Huhhh, kaya ka nga UUTANG, eh wala kang pag-aari eh.

----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home