Saturday, October 22, 2005

mga suwapang kasi

Editorial (23Oct05)

LANTARAN na ring hinihingi ni dating Pangulong Ramos ang pagbibitiw ni Ate Glo sa pagsasabing isakripisyo ng babae sa Malacanang ang nalalabing panahon sa kanyang 6-year term.
Iyan din mismo ang paulit-ulit na idinakdakdak ni House Speaker Jose de Venecia na kadueto ni Tabako sa pang-aasar kay Ate Glo. Hindi malayong sina FVR at JDV ang tinutukoy ni Security Adviser Norberto Gonzales na pinagmulan ng "private" fund upang tustusan ang $75,000 monthly payment sa PR scheme upang maikampanya sa United States ang Charter Change.
Kung may "kuwarta" sina FVR at JDV sa pambabastos sa Konstitusyon, may pera din sila upang guluhin ang administrasyong Arroyo.
Malinaw kung gayon na ang "destabilisasyon" ay kapwa nagmumula sa grupo mismo ni Ate Glo at sa oposisyon na pinalalala ng mga maka-Kaliwang CPP-NPA-NDF at maka-Kanang SFP-RAM-YOU-Guardian.
Nakapagtatakang nananatili sa puwesto ni Ate Glo. Ang dahilan dito ay dahil sa SOBRANG DAMI ng nais pumalit. Ang katatagan ni Ate Glo sa Malacanang ay hindi dahil sa kanyang husay sa paglalaro sa politika kundi dahil din mismo sa PAGSUSUWAPANGAN ng kanyang mga kritiko.
Kaawa-awa dito si Juan, kasi'y mamamatay siya sa gutom nang walang kalaban-laban.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home