Sunday, October 23, 2005

world war 3 na

Editorial (24Oct05)

LANTARANG hiniling ng United States sa United Nations na gumawa ng marahas na aksiyon laban sa bansang Syria makaraang lumabas sa pagsisiyasat na may kinalaman ang Damascus sa pagpatay kay dating Lebanese Prime Minister Rafiq Hariri.
Pero, itinanggi ng Syria ang pagkakasangkot sa krimen sa pagsasabing umiimbento lamang ang US upang magkaroon ng katwiran upang lusubin ang kanilang bansa tulad sa ginawa ni US Prez George Bush sa Afghanistan at Iraq.
Walang duda na nagpapakana na naman ang US ng isang pang pagkubkob sa soberaniya ng ibang bansa na isang tanda ng paghahari-harian sa buong daigdig kakutsaba ang Britain at Australia.
Kapag pinasok ng US at kaalyadong bansa ang Syria, malinaw ditto na dadambungin lamang nito ang oil supply ditto at babastusin ang mga sagrado at makasaysayang teritoryo tulad sa “panggagahasa” sa sinaunang Mesopotamia at Babylon.
Kapansin-pansin na isinabay ditto ang pahayag ng US na may sobra-sobrang missiles at war armaments ang China na maaaring gamitin sa panggigiyera sa malalayong bansa.Malinaw ditto na ibinubuyo na ng US ang China sa kinatatakutang World War III.
Kapag pinasok ng US ang Syria, walang duda na papalag ang China kaya’t papasukin din nito nang walang abog-abog ang Taiwan kasabay ng pagkontrol sa Pilipinas at Vietnam.
Ang “away” ay hindi upang labanan ang terorismo kundi upang makontrol ang OIL INDUSTRY at mai-REVERSE ang bumabagsak na WORLD ECONOMY.Ang mga aksiyon, desisyon at sitwasyon ay pumupunta sa iisang direksiyon: MADUGONG DIGMAANG PANDAIGDIG!Magdasal tayong lahat na huwag sana itong maganap!
----30-----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home