Sunday, October 23, 2005

modernong Hitler

Bistado (24Oct05)


NAGSISISI si Tita Cory at Bro. Eddie sa pagsuporta kay Ate Glo.
He, he, he, tipikal na eksampol nang:NASA HULI ANG PAGSISISI.

----$$$---
NAUUBOS na ang piloto ng Philippine Air Force (PAF) dahil naga-apply sa commercial airlines.
At nagpapalipad na lang nga SARANGGOLA NI PEPE.

-----$$---
BINANSAGAN ng isang gobernador na suspected gambling lord si Edward Hagedorn na isang MAD DOG.
Dito na sila MAGKAKAPATAYAN.

-----$$--
KINUMPIRMA ni Dr. Christopher MOW na wala nang DIPERENSIYA ang tuhod ni Pareng Erap.
Pero, hindi niya nilinaw kung may DIPERENSIYA pa rin ito sa utak.

-----$$--
MABILIS daw dumarami ang TAMARAW sa Mindoro.
Kahit nakatakas ang isa papunta sa Malacanang.

-----$$--
OKEY kay GMA ang rekonsilyasyon huwag lang hihilingin ang kanyang ULO.
He, he, he, pasensiya ka na sa mga CANNIBAL.

-----$$$$---
MATAPOS kubkubin ang Afghanistan at Iraq, bumubuwelo naman ngayon ang US upang salakayin ang SYRIA.
Aba, mukhang mabibisto ang modernong HITLER na si US Prez George Bush.

-----$$--
KAPAG pinasok ng US ang Syria, walang duda na mapipikon na ang China.
Hindi malayong gumanti ang China at kunin ang Taiwan at Pilipinas---NANG MAGKASABAY.

-----$$-
NAPAKALINAW kung sino talaga ang TERORISTA.
Walang kaduda-duda na ito ay si BUSH.
Siya ang tinutukoy sa Bibliya na ANTI-CHRIST.
At The Beast!

-----$$$—
IPINAGDIRIWANG ngayon ang United Nations Day.
Tanging KANO, Britons at Australians ; Christians at Jews lamang ang pinaglilingkuran nito.
Hindi kasama ang ISLAM.
Pweeeeee!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home