Tuesday, September 27, 2005

Utang na ninyo

Bistado (28Sep05)


PANIWALAAN DILI:
May panibagong utang na $400 milyon ang Napocor.
At si Juan ang MAGDURUSA nito.
Lintekkkk!

----$$---
KATUMBAS ng bagong utang ay P2 bilyon.
Diniskarte ang naturang UTANG sa kainitan ng isyu sa Impeachment proceedings.
Talagang mga TUSONG MATSING ang mga kolokoy.

----$$---
IPINAGMAMAGALING ng Napocor na “BREAK EVEN” sila sa operasyon sa taong ito.
Pero, ito ay isang malaking kabulastugan.
Dahil sinagot ng gobyerno ang P200 bilyon utang nito—kung saan si Juan dela Cruz ang magbabayad.
At iyan ay epekto ng pinagtibay na EPIRA law.
Buwisetttt!

---$$--
NAKAPAGTATAKANG ikinatuwa pa ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Amado Tetangco ang walang habas na pangungutan ng Napocor.
Malinaw na KAKUTSABA siya sa panggogoyo sa 86 milyong Pinoy.

------$$$--
IPINAGMAMALAKI naman ni Budget Secretary Romulo Neri na ang naturang utang ng Nacopor ay ipinambayad sa interest ng mga DATI NANG UTANG ng Pilipinas kaya’t nahinga umano sila nang maluwag.
Nanangkupoooooo!

-----$$--
IPINAGYAYABANG ng Central Bank na nadagdagan ang FOREIGN RESERVES ng bansa dahil sa INUTANG NA DOLYARES ng Napocor.
Ngeekkk, paano mo ipagyayabang na RESERBA ang PERANG INUTANG?
Namputsa naman.

----$$--
DAHIL sa sala-salabat na utang ng Napocor, mahihirapan na itong MAISAPRIBADO, kasi’y sino ang bibili sa isang NEGOSYONG LUBOG SA UTANG?
Utang na… utang na…..utang na ninyo, yan, bayaran ng pobreng si Juan.

----$$--
NASABAT ang pagpupuslit ng PIRANHA.
Nabisto ang cannibal na ISDA nang NGATNGATIN ang daliri ng quarantine inspector.
Buti hindi ka NILAMON nang buo.

---$$--
NAWAWALA ang mga ballot boxes na ipinaprotesta ni ex- Sen. Loren Legarda laban kay Vice President Kabayan.
Kumbaga, MAGHABOL-KA-SA-TAMBOL MAYOR.
-----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home