Tuesday, October 25, 2005

saan papunta si Juan?

Editorial (26Oct05)

NAGTAAS na naman ng presyo ng petroleum products ang Petron, Shell at Caltex. Nagdagdag sila ng 50 sentimos kada litro ng gasoline at 50 sentimos naman kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG). Nauna nang itinaas ang presyo ng diesel at kerosene.
Sa totoo lang, bumaba na ang presyo ng langis sa world market pero dito sa Pilipinas patuloy na pinarurusahan ang mga konsiyumer. Dapat nating maunawaan na iiral ang Expanded Value Addedc Tax (EVAT) epektibo sa Nobyembre 1, kung saan todo-todo pang lolobo ang presyo ng mga produktong petrolyo, singil sa konsumo ng elektrisidad, tubig at maging sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan.
Saan pupunta si Juan? Wala na silang masusulingan. Ang matataas na opisyal ng gobyerno, pulisya, military, mambabatas at hukuman ay pawang magkakakutsaba sa pagto-TORTIYUR sa dati nang nakalugmok na ordinaryong mamamayan. Hindi puwedeng sumigaw nang pagdaing ang mga anak-pawis dahil hahambalusin sila ng kahoy at bobombahin ng malakas na pressure ng tubig ---paslit ka man, babae o may edad!
Para sa kanila, sumunod ka lamang sa idinidikta ng mga naghaharing uri dahil sila mismo ang BATAS! Kung mayorya man ang nagugutom at naghihirap, matutong tayong SAMBAHIN ang ating mga PANGINOON sa Malacanang. Mas mabuti pa ang manahimik kahit kumakalam ang sikmura, kaysa iyakan ka ng iyong mga anak na isang MALAMIG NA BANGKAY sa gitna ng MENDIOLA.
----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home