Thursday, December 29, 2005

new year (31dec05)

bistado--31dec05
head:
DALAWANG sundalo at tatlong parak ang nagbarilan sa Surigao.
Napagkamalan nilang REBELDE ang kanilang mga SARILI dahil may kanya-kanyang BARIL.
----$$--
DAGSA ang mga tao sa mga TERMINAL.
Ingat po tayo sa mga TERORISTA.
At mga MANDURUKOT.
----$$--
PINALAWIG ng Sandiganbayan ang ORAS na pananatili ni Pareng Erap katabi ang MAYSAKIT na nanay.
Pero, hindi siya pinayagang makauwi sa SARILING BAHAY, ilang metro lang ang layo sa bahay ng kanyang ina.
Kaylupit ng HUSTISYA.
----$$--
NAKAPAGBIGAY daw ng 2 milyong trabaho ang gobyerno.
Huhh, dahil sa IMPORTED goods, nakalikha sila ng 2 MILYONG TRABAHO sa mga magsasaka sa ibang bansa.
----$$--
INI-REORGANIZE na ni Chief Justice Artemio Panganiban ang mga mahistrado sa Korte Suprema.
Baka PANUNUMPAIN naman si Vice Prez Kabayan.
Kahit hindi nagre-RESIGN si Ate Glo.
----$$$---
ISA pang LIDER ng Bayan Muna Movement ang tinepok sa Cebu.
Isang sekretong CIVIL WAR ang nagaganap.
-----$$--
May New Year's wish ka na ba?
He, he, he, eh matupad naman kaya?
------$$$--
HULAAN natin ngayon kung ano ang mga NEW YEAR'S WISH ng mga kilalang tao.
Ate Glo: Mapagtibay ang Konstitusyon na siya ay magiging PERPETUAL PRESIDENT.
------$$$--
NOLI de Castro: Maging PANGULO siya ng Republika.
Kahit ano pa ang MANGYARI kay GMA.
-----$$--
ERAP Estrada: Makalaya!
At makabalik sa Malacanang bilang hepe ng PSG.
-----$$$--
SUSAN Roces: Mabuhay si Da King.
At makagawa silang dalawa ng bagong PELIKULA.
-----$$$---
EX-CHIEF Justice Hilario Davide.
Panumpain siya bilang Pangulo ng Republika kahit labag sa Konstitusyon.
------$$--
IMELDA Marcos: Makagawa uli ng Pelikula.
At maidispley ang mga bago niyang SAPATOS.
-----$$$--
FVR: Bumata siya tulad ng isang sanggol.
Para makatalon lagi tuwing Bagong Taon.
-----$$$--
SPEAKER JDV: Maging kauna-unahang Prime Minister.
Sa Republika ng Pangasinan.
----30---
EDITORIAL
HEAD:
SASALUBUNGIN na mamayang gabi ang taong 2006!
Ayon sa mga numerologist, kokontrolin ito ng mahiwagang No.8.
Otso ang iiral sa susunod na 12 buwan.
Paborito ito ng mga Chinese kasi'y inilalarawan ito na pinilipit na "zero"--na wala ring simula at walang katapusan.
Sa agham, direksiyon ito ng atom kung saan umiinog-inog ng walang patid.
Extreme naman ang tawag dito ng mga mananaliksik sa numerolohiya.
Ibig sabihin, kung paniniwalaan ang mga numerologist, matitindi ang mararanasan ng mga tao--maaaring SOBRANG-SOBRANG HIRAP o SOBRA-SOBRANG SAYA!
Maaaring parehong maganap ito--mauuna ang trahedya bago ang tagumpay o kaya’y magpipiyesta muna bago magluksa!
Sa Pilipinas, serye ng mga dagok sa buhay ang nararanasan ng mga Pinoy sa mga nagdaang panahon, kaya’t maaaring naghihintay ay sunod-sunod namang pag-angat ng buhay.
Walang makapagsasabi kung ano ang magaganap sa taong 2006.
Itim ang katapat ng numero otso.
Pero ang lahat ng bagay sa mundo ay nagmula sa kadiliman bago nalikha ang liwanag!
Kung makakasiwang ang liwanag ng pag-asa sa taong 2006--ay siya nating ipagdasal.
Manigong Bagong Taon po sa ating lahat!
----30-----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home