Saturday, January 28, 2006

$130,000 niraket sa boxer

NASAKOTE na si Marine Captain Nicanor Faeldon.
Pwede na siya uling magpa-VIDEO sa loob ng Camp Aguinaldo.
----$$$--
NAGSANIB na raw ang puwersa ng LEFT at RIGHT para pabagsakin si Ate Glo.
Eh, makakaandar ba yan nang WALA ang CENTER?
Tsk, tsk, tsk.
----$$---
NAGWAGI sa eleksiyon ang mayorya ng TERRORIST GROUP sa Palestine.
Namutla bigla si US prez George Bush.
----$$$---
TUMATAAS na naman ang presyo ng PETROLYO.
Nanangkupoooo!
---$$$---
KAPOS pa rin sa TARGET collection ang BIR at Bureau of Customs kahit may EVAT.
Oh, akala ko ba ang sinisibak ang mga may MAHINANG KOLEKSIYON?
----$$$--
IDARAOS sa Maynila ang susunod na laban ni Manny Pacquiao.
Huhhhh, huwag sanang MA-RAKET si Pacman ng kapwa PINOY.
----$$--
ANO naman kaya ang masasabi ng mga politiko hinggil sa PANLOLOKO ng mga Pinoy promoters kay two-time World Champion Luisito Espinosa.
Diyan ninyo ipakita ang iyong PAGTULONG sa KAMPEON.
---$$--
SA totoo lang, dapat ay mismong si Pacquiao ang makiusap kay Ate Glo na tulungan si Espinosa sa $130,000 na NASUBA sa kanya ng mga Pinoy promoters.
Ganyan KAWALANG-HIYA ang mga sindikato sa boxing.
------$$$--
WALANG bisa ang PAGSEPSEP ng mga politiko kay Pacman nang hindi tinutulungan si King Louie.
Ganyan din kawalang KUWENTA ang media.
Hindi nila tinutulungan si Espinosa—kasi'y walang siyang DATUNG.
Si Pacman na lang ang kanyang PAG-ASA.
----$$$--
WALA pa ring malinaw na AKSIYON at PROGRAMA ang gobyerno laban sa BIRD FLU.
At saka sila MAG-AAPURA kapag bumubulagta na ang mga BIKTIMA.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home