Sunday, January 22, 2006

Luha kay Pacman

YUMAO ang aking ama noong 1994 pero hindi ako naiyak.
Binawian ang buhay ang aking ina last year pero hindi ako naluha.
Nang mapabagsak at manalo si Manny Pacquiao kahapon kontra kay Erik Morales, hindi ko napigil ang pagdalisdis ng aking luha.
Mabuhay ka Pacman!

----$$-
MAY ikinakalat na text messages kahapon pero hindi ko maintindihan.
Ang panalo daw ni Pacquiao ay daw panalo ni GMA.
Dapat daw ipagdasal na matalo si Pacman.
Hindi nauubos ang mga MAKAPILI.

----$$$---
KITANG-KITA kung gaano KALAKAS ang kaliwang kamay ni Pacman.
Kamuntik nang MAPIGTAS ang ulo ni Morales.
Gumugulong ito kasunod ang KATAWAN.
Buti na lang, napulot uli ng referee ang kanyang ulo.

----$$$--
WALANG duda, nalampasan na ni Pacquiao ang KADAKILAAN ni Gabriel “Flash” Elorde.
Sasakyan na naman ng mga politico ang kanyang popularidad.

----$$$---
DAPAT ay ideklarang SPECIAL PUBLIC HOLIDAY ni Ate Glo ang araw ng pagbabalik ni Pacman sa Maynila.
Siya ang tunay na BUHAY NA BAYANI.

-----$$-
SAYANG kung buhay si Da King, maaaring maluha rin siya.
Kasi’y NAAGAW na rin ni Pacman ang popularidad ni FPJ.

----$$$--
DAPAT ay alagaang mabuti ni Ate Glo sa Pacquiao.
Kasi’y baka KUMANDIDATO ito bilang presidente sa SNAP election.

-----$$--
NATIGIL sa pagtatrabaho ang mga Pinoy kahapon.
I-tsek ninyong mabuti—baka NAKATAKAS na ang lahat ng Oakwood Mutineers.

----$$$---
TATABO si Pacquaio ng pinakamababang $ 4 milyong kasama ang premyo, porsiyente sa TV rights at endorsements.
Siya ang tunay na BILYONARYO.

-----$$$--
SA nakatakdang REMATCH ni Pacman kay Marco Antonio Barrera, pinakamahinang $5 million ang masasakote niya.
Puwede na niyang BILHIN ang buong Las Vegas.
-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home