Monday, January 23, 2006

Korapt

SA kalagitnaan ng karangalan na ibinigay sa Pilipinas ni legendary boxing hero Manny Pacquiao, patuloy namang ang kahiya-hiya na pangungurakot ng ilang opisyal ng gobyerno.
Kumbaga, buhay ang ibinubuwis ni Pacman upang sagipin ang bansa sa kahihiyan at pagdarahop, pero palihim na hinuhuthutan ng mga mandarambong sa gobyerno ang taumbayan.
Matatandang binalasa at sinibak ng Malacanang ang puno ng National Printing Office (NPO) para masugpo ang katiwalian at mailigtas ang kaban ng bayan pero higit na malala pa ngayon ang nagaganap ditto.
Dapat ay imbestigahan ng Ombudsman ang alegasyon na patuloy ang mga kaduda-dudang transaksiyon sa naturang ahensiya na may kaugnayan sa overpricing sa supply ng papel at “SOP” mula sa private printers at iba pang transaksiyon.
Nakakalungkot isipin na nadadamay ditto ang pangalan ni Ate Glo dahil ikinakatwiran ditto na kailangan nilang mabawi ang nagastos sa mga ipinamigay na “GMA Calendars”.
Sa totoo lang, ang NPO ay isa lamang sa mga ahensiya ng gobyerno na sumisira sa reputasyon ni Ate Glo kundi marami pang sangay ng pamahalaan.
At sa pagpasok ng Year of the Dog, dapat suriing mabuti ni Ate Glo kung sino ang tunay na MATAPAT niyang tagasunod na hindi magwawasak ng kanyang magandang naipundar sa pamahalaan.
Ang malawakang pagbalasa sa gobyerno ay isang PERPEKTONG REGALO ni Ate Glo kay Pacman na halos magbuwis ng buhay upang maiangat ang imahe ng Inang Bayan sa mapa ng daigdig.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home