Saturday, January 21, 2006

Upper cut ang regalo

UNDECLARED Holiday ngayon.
Tigil ang IKOT NG MUNDO sa buong Pilipinas.
Laban ni Manny Pacquiao kontra kay Erik Morales.

----$$$--
AKTUWAL na buhay na bayani si Pacman—matalo man o manalo.
Dapat siyang bigyan ng HIGIT sa Hero’s Welcome.
Dapat ay lumuhod sa kanyang PAANAN ang kanyang mga kababayan.

----$$$--
WALANG duda na nasapawan ni Pacman ang kasikatan ni Gabriel “Flash” Elorde.
Sa lahat aspekto ng boksing—tapang, lakas , popularidad at KUWARTA.

----$$--
HINDI lang bayani ng Pinoy si Pacman kundi maging ng buong Kontinente ng ASIA.
Maging ang mga Thai, Japanese. Koreans,. Chinese, Indonesians, Arabs, Muslims, Malaysians ay PINAPANGINOON ang tubong General Santos City.

-----$$$--
MANALO o matalo, dapat ay simulan na ang PAGPAPATAYO ng MONUMENTO ni Pacman.
Bahagi na siya mismo ng KASAYSAYAN ng ating bansa.

-----$$--
TIYAK na maraming politico ang makikisakay sa popularidad ni Pacquiao.
Masagip kaya niya sa PAGDUROG ang Republika ng Pilipinas?

-----$$--
PAG-UWI ni Pacman, dapat niyang bigyan ng PASALUBONG ang mga politikong pulpol na nag-aaway-away.
Regaluhan sana niya ang mga ito ng TIG-IISANG UPPER CUT.

-----$$--
SA gitna ng kasikatan ni Pacman, dapat naming ipakita ng mga SUNDALO ang kanilang kabayanihan.
Dapat na silang KUMILOS kung paano mababago ang lipunan.

----$$$--
NAGPA-PANIC na raw ang Malacanang sa KUDETA.
Hindi kaya napupuno ng tao ang ILALIM NG KAMA?

----$$$--
LUMOLOBO naman ang OIL PRICE dahil sa banta ng US na gigiyerahin din ang IRAN.
Tsk, tsk, tsk, talagang NAGSISIGA-SIGAAN ang mga DUWAG NA KANO.

------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home