Saturday, January 21, 2006

Duwag ang Kano

TUMATAAS naman ang presyo ng produktong petrolyo sa world market dahil sa pagiging hambog at paghahari-harian ng Kano.
Nakapagtatakang patuloy na nagpapatuta ang maraming bansa sa United States gayong kitang-kita ang pagiging duwag ng mga ito sa aktuwal na digmaan.
May nabalitaan nab a kayong US troop na umaktong SUICIDE BOMBER tulad ng kalaban nilang muhahidden o Islam extremist?
Wala.
Imbes na ihandog ang buhay ng mga sundalong Kano alang-alang sa ipinakikipaglaban ng kanilang bansa, hindi mabilang ang nagsu-SUICIDE sa loob ng mga US military base dahil sa takot sa kalaban at dahil na rin hindi MAKONSENSIYA ng mga ito na magpagamit sa isang LIHIS na ideolohiya.
Nakakahiya ang pinaggagawa ni US President George Bush dahil isinusumpa ngayon ng maraming bansa ang mga Kano dahil sa patuloy na pananakop sa mga bansang mayaman sa langis.
Matapos kubkubin ang Afghanistan at Iraq, pinaplano naman ngayon ng mga mananakop na Kano na pasukin ang Iran—isa sa pinakamayamang oil supplier sa buong mundo.
Masyadong ipinananakot ng US ang kanilang ultra-moderno war armaments pero paano nila gagamitin ito kung pawing duwag ang kanilang sundalo?
Panahon na upang kalagin ng mga Pinoy ang kadena na iginapos ng mga Kano.
Sa pagtanggi ng US na isurender ang 4 US Marines na nanggahasa sa isang Pinay, wala nang katwiran pa para magpa-TUTA ang mga Pinoy.
Kung hindi tayo papalag ngayon, kalian pa?
----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home