Thursday, January 19, 2006

Bibili ng helikopter

KUMPIRMADO nang nakatakas ang 4 Oakwood Mutineers.
Ekkk, ekkkk, ekkkkkkk!

----$$--
NAGMAMATIGAS pa rin si NavyLtsg Antonio Trillanes kontra kay Ate Glo.
Baka hindi pa siya nakakatikim ng “TUBIG”.

-----$$$--
HINDI nauubusan ng problema si Ate Glo.
He, he, he, sintomas ito na BUHAY-NA-BUHAY siya.

----$$$--
DAHIL ayaw isurender ng US ang 4 US Marines na suspect sa panggagahasa, ibabasura na ng Kongreso ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito isasagawa agad ito ng mga “UTO-UTO”.

-----$$$---
MAY banta na ngayon sa buhay ni Ate Glo.
Humm, hindi MALAYO yan.
May TAMA sila dyan.

----$$$--
IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon kontra sa konstruksiyon ng North Rail Transit sa Bulacan.
Tuloy ang LIGAYA ng mga mangungurakot.

---$$$--
ALAM ba ninyong sangkatutak na ang namamatay na bata, matanda at ordinaryong ex-squatters sa relocation site sa Sitio Galas, Santol, Balagtas, Bulacan.
Walang tubig, walang kuryente, walang eskuwelahan at walang pagkain ang mga taon doon.
Noong Pasko at Bagong Taon, wala silang elektrisidad.
Ang kapal ng mukha ni Vice Noli na nangako na bibigyan sila ng mahahalagang PASILIDAD.
Pukawnamooooooo!

----$$$--
SA ngayon, hindi lang ang relocation site ang may problema sa North Rail transit area kundi maging ang mga PAMILYA na hindi naman binigyan ng RIGHT WAY dahil binakuran na ang PNR vicinity.
Sabi raw ng mga engineers na nagbabakod sa mga taong walang madaanan: BUMILI KAYO NG HELIKOPTER!
Mga gahamannn,sakiimmm, buwayaaaaa!

----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home