Sunday, January 22, 2006

Super-Hero

BUKAMBIBIG ng Pinoy ngayon ang pangalang MANNY PACQUIAO!
Higit na malaki ang pangalang ito kaysa sa aktuwal na pagkatao ng boksingero.
Itinuturing ngayon si Pacquiao na Little Muhammad Ali ng international boxing.
Sa paglamukot ni Pacquiao kina Marco Antonio Barrera at Erik Morales, walang hihigit sa kanyang popularidad kahit pa sina Felix Trinidad, Bernard Hopkins at Oscar “Golden Boy” dela Hoya.
Kahit naman sa heavyweight boxing division ay walang maaaaring makaporma ngayon kay Pacman—siya ngayon ang pinag-uusapan sa buong daigdig.
Sa gitna ng mga publisidad na ito, nananatiling mapagpakumbaba si Pacquiao at ipinagdidiinan niya ang pangalan ng kanyang INANG BAYAN—Pilipinas.
Isa siyang tunay na bayani n gating henerasyon.
Dapat siyang gawaran ng pinakamataas na medalyon na ibinibigay hindi lamang sa isang sibilyan kundi maging sa mga sundalo.
Ang tapang na kanyang ipinakita sa pakikipagpalitan ng nakamamatay na suntok sa “bayani ng Mexico”—ay sobra-sobra nang kuwalipikasyon ng isang tunay na bayani ng bansa.
Hindi na natin dapat pang hintayin na mabalda o mamatay si Pacquiao, bago natin siya bigyan ng PARANGAL.
Ihanda natin an gating bansa at ang 86 milyong Pinoy sa isang magarbo at makasaysayang pagsalubong sa kanyang pagbabalik.
Manny, MABUHAY KA, ikaw ay aming tunay na bayani—MakaDiyos, Makabayan, Makatao!
----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home