Monday, January 23, 2006

Babaliktad din

DAPAT ngayon pa lamang ay ilatag na ang PREPARASYON sa pagbabalik sa Maynila ni Manny Pacquiao.
Ipadama natin kung gaano natin siya INIIDOLO.

---$$$---
OTSENTA porsiyento ng oras sa RADYO at espasyo sa DIYARYO ay nakopo ng PACQUIAO CRAZE.
Sino ang maysabing puro BADNEWS ang inaabangan ng media?

----$$$--
NAGBANTA ang YOUng rebels na unang ia-ASSASSINATE si DENR Sec. Mike Defensor.
Biglang NABUSALAN ang kanyang bibig.

----$$--
IYAN ang problema sa mga NAKAKORNER ng poder.
Masyadong yumayabang.
At napapahamak ang SARILI.

-----$$$--
TALAMAK ang corruption sa National Printing Office (NPO).
Tsk, tsk, tsk, dapat itong imbestigahan ng Ombudsman.

-----$$--
PINALITAN ang hepe ng NPO dahil sa alingasngas.
Pero, lalo pang nagging GARAPAL ang mga kabulastugan.
Pweeee!

---$$$---
TINIYAK ng AFP generals ang LOYALTY kay GMA.
Iyan din mismo ang ginawang pagtiyak ni ex-AFP Chief Angelo Reyes kay Pareng Erap bago BUMALIKTAD.

-----$$--
ISA pang Pinoy na miyembro ng US troops ang natepok sa Iraq.
Nakakapanghinayang ang TAPANG ng Pinoy.
Ibinubuwis ang buhay para sa mga TRAYDOR na Kano.

------$$$---
ISANG mag-asawang Mexicans ang nawalan ng bagahe kasama ang mga PASAPORTE at dokumento sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas, Nevada, USA kasabay ng laban ni Manny Pacquiao.
At napulot ito ni KARATE-patron CHITO MACAPAGAL ng Unilever.
Siyempre, ISINOLI ni Pareng Chito.
Hindi lang si Pacman ang hinahangaan ngayon ng mga Mexican—kundi pati na rin si PARENG CHITO M.
Heyy, pasalubong ko, hahh?
Biro lang po, pero puwedeng totohanin.

--------30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home