Monday, January 16, 2006

Putok-butse

NAGPUPUTOK ang butse ni Sen. Joker Arroyo at iba pang senador kasi’y parang balewala sila kung pag-usapan ang pagbabago sa Konstitusyon.
Gustong palabasin nina FRV, Speaker Jose de Venecia at Ate Glo na mababago nila ang istruktura ng gobyerno kahit tumutol ang buong Senado.
Kasama sa plano ng TROIKA ang pagkumbinse sa mayorya ng mga senador sa susunod na linggo at buo ang kanilang loob na sa bandang huli ay "bibigay" din ang Senado.
Bakit kaya?
Ibig sabihin ay alam-na-alam ng Malacanang ang "kiliti" ng mga senador?
Pork barrel kaya o diretsong payola ang iaalok sa mga senador.
Maaari ring puwesto sa gabinete o kaya’y ay oportunidad sa negosyo.
Nakapagtataka kasing hindi kinukonsulta ang mga senador kundi ang nag-uusap lamang ay ang majority party na Lakas- CMD.
Kakaiba ang diskarteng ito!
Mahirap itong basahin.
Maaari ring nang-aagaw lamang sila ng atensiyon ng publiko upang mailayo ang isyu sa hindi matapos-tapos na intriga sa akusasyong nagkaroon ng dayaan sa 2004 election.
Ano sa palagay ninyo?
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home