Thursday, January 19, 2006

GMA tetepokin

UMABOT na sa limang Oakwood Mutineers ang nakatakas kabilang ang dalawang army captain at tatlong tenyente na pawing graduate sa Philippine Military Acadamy ang opisyal na eksperto sa special action.
Kasabay nito, kinumpirma ng Malacanang na may aktuwal nab anta sa buhay ni Ate Glo kaya’t kinansela ang isang biyahe sa Bikol.
Kung iniisnan ni Ate Glo ang banta ng destabilisasyon o panggugulo ng oposisyon sa nagdaang mga buwan, mahirap niyang balewalain ang banta sa kanyang buhay lalo pa’t napurnada ang bigong “rebolusyon” nang bumaliktad ang Hyaty 10.
Sa prinsipyo ng diplomasya at sistematikong paraan, mistulang nagawa na ng mga kritiko ni Ate Glo ang mga payapa at maayos na pamamaraan tulad ng impeachment at street protest pero pawing nasusupalpal ito—kaya’t tama ang payo ng kanyang mga advisers na doblehin ang pag-iingat.
Sa ngayon, mayorya ng mga mambabatas ay hinihinalang kapanalig ni Ate Glo at ang Korte Suprema ay hindi gaanong nabago sa pakikipagsimpatiya sa Malacanang, sa ganyang pananaw—hindi malayong may totoong banta sa buhay ng Pangulo.
Hindi ito biro!
Huwag sana siyang matulad sa paborito ng masa na si dating Pangulong Ramon Magsaysay—biglang natepok sa simpleng pagbiyahe.
Tulungan natin siyang magdasal!
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home