Saturday, January 14, 2006

biyernes trese (15jan06,bulgar)

14jan06,2:15pm


BIYERNES TRESE kahapon. Maselan ang Biyernes Trese lalo pa’t ito ay nasa taong 2006. Pero ang epekto nito ay minus 7 days at plus seven days. Ibig sabihinm kailangang obserbahan ang Enero 6 hanggang Enero 20—at hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong daigdig. Sa panahong ito, nagdeklara ng Iran ng paghamon sa US at mga world powers na itutuloy nila ang operation ng Nuclear Plant sa pagsasabing walang ibang nasyon na maaring magdikta sadireksiyon ng kanilang bansa. Ganyan din mismo ang postura ng North Korea. Ngayon, Enero 14, nagdeklara rin ang Ukraine na bubuhayin din nila ang paggawa ng Nuclear fuel o enrinchment ng uranium na sangkap sa paggawa ng nuclear bomb. Sa panahon ding ito, umamin ang Turkey na hindi nila mapigil ang bird flu at dalawang tao na ang namatay sa kanilang bansa. Sa Pilipinas, nilinaw ni FVR na mananatili ang ultimatum niya kay GMA at nagdeklara si Vice Kabayan na hindi siya madidiktahan ng ABS-CBN at Malacanang. Ang lahat—ng ito ay maaring magbunga ng maselang sitwasyon sa mga susunod na araw at maging sa susunod na taon at habang panahon. Mag-antay pa tayo ng ilang magaganap hanggang Enero 20.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home