Saturday, January 14, 2006

Giyera sa Pinas (15jan06,BULGAR)

AKO ang Hari ng Sarili Ko.
Iyan ang pagdidiin ni Vice Noli kaugnay ng isyu na sinibak ng ABS-CBN ang kanyang programang “Magandang Gabi, Bayan” at patutsada na diniktahan siya ni Ate Glo na lumayas na sa naturang television network.
Bagaman ang isyu ay nakasentro kay Kabayan, pero ang tunay na pokus ng usapan ay nasa maselang sitwasyon ni Ate Glo.
Ibig sabihin, si Vice Noli ay biktima lamang ng mga sitwasyon.
Kumbaga, maiipit ang daga sa pag-aaway ng aso at pusa.
Mistulang nagdedeklara na ng giyera ang Pamilya Lopez kontra sa Malacanang.
Nagbabalik kung gayon ang eksena bago mag-Martial Law nang magdeklara ng giyera si Vice President Fernando Lopez kontra sa nakaupong si Apo Makoy.
At sino ang nagwagi?
Maselan ang paga-analisa ditto.
Sa biglang tingin ay nanalo si Makoy sa unang salpukan, pero sa dakong huli ay napabagsak din ang diktador—hanggang sa mabawi ang Meralco at mismo ang television network.
Moderno na ang sibilisasyon, maaaring ganyan din ang maganap pero sa higit na AGARANG PANAHON.
Teka, sino ba ang nagwagi sa giyerang “Philippine Daily Inquirer versus Pareng Erap”?
Bumagsak si Pareng Erap, pero binoykot ng mga big time advertisers ang Inquirer (hanggang ngayon?).
Sa totoo lang, walang nanalo saan mang klase ng DIGMAAN.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home