Saturday, January 14, 2006

hari kuno si Vice Noli (15jan06,BULGAR)

Bistado—15jan06

Head: Tao, isda malilipol

PINAYAGAN ng DENR na magtayo ng mga PABRIKA sa coastal areas.
Huhh, matapos PANUTIN ang BUNDOK—LALASUNIN naman ang karagatan.
Tapos lunurin ang taumbayan, LILIPULIN ang mga ISDA.
Kayo ang mga pesteeee!

-----$$$--
IPINAGDIINAN ni FVR na nananatili ang kanyang ULTIMATUM kay Ate Glo.
Hummmm, mahirap talaga ang maging ULYANIN.

-----$$$---
PINALAYA na si Mehmey Ali Agca ang nagtangkang pumatay kay Pope John Paul II.
Hindi malayong i-SALVAGE siya ng tunay na MASTERMIND.

------$$$---
IDINARAOS na ang LAKAS-CMD caucus.
Matapos ang meeting, tiyak na MAWAWALAN sila ng Lakas.

-----$$$---
SABI ni Vice Noli: Ako ang HARI NG SARILI KO.
Walang makakapigil sa kanya na SUMUNOD sa lahat ng gusto ni Ate Glo.
Entiendesssss?

-----=$$$--
KINASUHAN sa Ombudsman sa Visayas si Rep. ROLEX Suplico sa kasong extortion.
Huhhh, dapat siyang magpaliwanag kung may katotohanan ito.
Para malaman natin kung PEKE ang ROLEX.

----$$$---
INAAKUSAHAN kasi ang kanyang grupo na tinatawag na “Gang of Five” ng panggigipit sa Globe at Smart telecoms sa kasagsagan ng isang HEARING sa Kongreso pero napurnada.
Iyan naman ang MESSAGE FAILED.

-----$$$---
PINAAARESTO ng mga Pinoy ang 4 US Marines na suspects sa pangggahasa sa isang Pinay.
Kailan pa natutong KUMAHOL ang ASO kontra sa kanyang AMO?
Ha! Ha! Ha!

----$$$---
GUSTO raw kopyahin ng Pinoy ang pagmamatigas ng mga Japanese laban sa Kano.
Aba, eh, di MAGLAKAD DIN kayo nang PASAKANG.
He, he, he, he.

------$$--
ISA si ex-Manila Rep. Mark Jimenez na nagnanais na MAKALABOSO ang mga Kano.
Para makaganti siya sa PAGKAKAKULONG sa US.
Ganti-ganti katwiran, magbayad-ang-may-utang.

-----$$--

DALAWANG “HOUSEMATES” ni Big Brothers ang nais na maging PINOY.
Dahil sa KUWARTA.
Kwidaw, marami ang napapahamak sa datung.

------$$$---
ISANG mayor sa Abra ang tinepok ng assassin.
Nagsisimula na ang 2007 election.

------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home