Sunday, January 29, 2006

5-5-5-5-5-5

NAGSIMULA na ang Year of the Dog kahapon.
Kaya pala nagsasaya ang mga TUTA.

----$$--
MAGIGING kauna-unahang BILYONARYONG ATLETA sa buong Asia si Manny Pacquiao.
Ingat siya sa mga KIDNAPER.

-----$$--
ALAM ba ninyo kung bakit NAKORNER si Marine Captain Nicanor Faeldon.
Dahil lumabas siya sa LUNGGO para lang MAKITA si Pacman.

---$$$---
MAY operation 5-5-5-5-5 ang mga Taipans.
Magi-invest dawn g $5 billion upang maka-attact ng 5 million tourist, makalikom ng $5 billion buwis at 5 million jobs sa loob ng 5 years.
At gagawin ito ng 5 dummies?

------$$$---
SUSUKO na raw si Joc JocBolante na isinasabit sa P 2 billion fertilizers scam.
Kailangan ng 33-anyos na OFWs ang P18 milyong BLOOD MONEY upang hindi siya MABITAY sa Kuwaiti matapos tepokin ang kanyang employer.
Pagkakataon na ni PACMAN na maging PILANTROPO at tunay na TAGAPAGLIGTAS ng buhay.
Oh, laban ka ba, Pacman?

----$$$--
NAGBABALA si US Prez George Bush sa Iran na guguluhin ito kapag ituloy ang NUCLEAR PROGRAMS.
He, he, he, may NATATAKOT pa ba kay Bush?
Ha! Ha! Ha!

-----$$$--
MAHIGIT $ 3 TRILLION ang naubos na ng US sa pagkubkob sa Iraq.
Kapag nilusob nito ang katabing IRAN, walang duda na MAMUMULUBI sila.
Walang silang iniwan sa isang MATON sa Tondo na ubod nang tapang pero WALANG MAKAIN at nangingikil na lamang.

----$$$--
ITINANGGI ni CAPT. Faeldon na DYOWA niya ang kasamang si Capt. Candy Rivas.
He, he, he, umiinit ang isyu.
Naging ala-SHOWBIZ pa.

---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home