Tuesday, May 30, 2006

Agawan sa utong

(for BULGAR, May 31 issue



MABABAHIRAN ng kontrobersiya ang pagdating sa Maynila ng nagmamagaling na Unang Pinoy na nakaakyat sa itutuktok ng Mt. Everest na si Leo Oracion at Pastor Emata na kapwa itinaguyod ng ABS-CBN TV network.
Nauna nang nakauwi sa Pilipinas ang umaangkin bilang 3rd Pinoy na nakarating sa Summit ng pinakamataas na bundok sa buong daigdig na si Romy Garduce na inisponsoran naman ng karibal na TV network na GMA- 7.
Pero, naglabas ng dokumento, sertipiko at litrato ang kampo ng beteranong mountain climber na si Dale Abenojar na nagsabing siya ang unang Pinoy na nakarating sa Summit ng Mt. Everest noong Mayo 15, dalawang araw bago isinatelebisyon ang pag-akyat ni Oracion.
Sakaling mapatunayan na lehitimo ang “claim” ni Abenojar, maraming implikasyon ang kauuwian nito.
Malalayo ang isyu kung sino ang FIRST PINOY sa Mt. Everest Summit, bagkus mapapalitan ito ng isyu ng “corruption” sa media o hindi patas na pag-uulat.
Masisira ang kredibilidad ng dalawang dambuhalang television network.
At kahit pa matukoy na mali ang ipinagyayabang ni Abenojar, mababatikan pa rin ng “hindi patas na pag-uulat” at “pagtatago ng impormasyon” ang ABS- CBN Channel 2 at GMA Channel 7.
Bakit nila inilihim sa publiko na may IKAAPAT na mountain climber na handa ring magbuwis ng buhay para maitirik ang Bandila ng Pilipinas sa Mt. Everest?
Bakit ipinokus lamang nila ang TV coverage sa kani-kanilang ALAGA.
Imoral at hindi patas ang ginawang iyan ng dalawang TV network at sinadyang biniktima ditto mismo si Abenojar.
Bakit? Wala kasing PERA o DATUNG ang pobreng mang-aakyat ng bundok!
Paano kung may nangyaring masama kay Abenojar?
Bakit nila ipinalalabas na “sila-sila” lang ang MAGKAKAPAMILYA at MAGKAKAPUSO?
Ang pangyayaring ito ay isang masamang pangitain sa larangan ng pamamahayag: Bulok din ang larangang ito tulad sa mga politikong pulpol at kriminal na kanilang mga binabatikos!
Balewala ang pag-akyat sa ituktok ng PINAKAMATAAS mang bundok kung napaka-BABA naman ng moralidad ng isang bansa!----30----

2 Comments:

Blogger ToxicFish said...

Pero may mga taong hindi pa naniniwala kahit certified na at may photo pa katulad ni Mark Parlade FPMEE’s public relation

"Told of Abenojar’s certificate, Parlade said it was not absolute proof of his claim.

That’s not all that’s needed to prove that you summited. There’s photos and videos. And several international Mt. Everest mountaineering associations had already recognized Oracion as the first Filipino to reach the summit,".

Tue May 30, 05:03:00 PM  
Blogger bistado said...

maraming salamat po!

Fri Jun 02, 01:02:00 PM  

Post a Comment

<< Home