Tuesday, May 30, 2006

Bendisyon ng demonyo

(for BULGAR, May 31 issue)


MAY dokumento si Mountaineer Dale Abenojar na siya ang FIRST PINOY na nakarating sa itutuktok ng Mt. Everest at hindi Leo Oracion..
Huhhh, hindi kaya involve na naman ditto si Garci?

----$$--
TINALO ng RP Chess Team ang Iceland, 3.5- 05 upang makaakyat sa 14th place sa 37th Chess Olympiad.
Nabuhay silang MULI!

-----$$--
NAPATUNAYAN ng Commission on Human Rights na may “criminal intent” ang parak na nagmasaker sa mga suspected carnappers sa Ortigas.
Tsk, tsk, tsk, ang PNP mismo ang ugat ng kriminalidad?

----$$$--
LEGAL na ang jueteng.
Gamit ng mga kobrador ang ID ng STL.
Mautak talaga si Edward Hagedorn.
Sino kaya ang kanyang nasa “likuran”?

-----$$$---
KUNWA-KUNWARI lang ang mga pagre-raid sa jueteng.
Tuloy pa rin ang PAGTABO ng milyon-milyong piso ng mga jueteng lord.

-----$$--
SA pagbubukas ng jueteng, walang duda na luluwag ang ekonomiya.
Isipin ninyong nagkaroon ng trabaho ang tig-20 hanggang 50 jueteng personnel (kobrador, rebisador, kabo, clerk) sa 43,000 barangays sa buong bansa.
Dapat bigyan ng award si Hagedorn ng LABOR GROUPS.

-----$$--
KUNG bayani si Hagedorn ng mga NAGDARAHOP, saan naman kaya MAPAPADPAD ang kanyang kaluluwa?
Ano kaya ang sagot ditto ni Bishop Oscar Cruz?
Kailangan muna raw matiyak natin kung MAY KALULUWA si Hagedorn.

-----$$$--
SA pagkabuhay ng jueteng, sino naman kayang MATATAAS na opisyal ng gobyerno ang nagbigay ng BENDISYON ditto.
Dalawa lang ang puwedeng magbigay ng BENDISYON.
Ang tunay na Diyos at ang tunay na DEMONYO.

------$$--
OPENING na ng eskuwela next week.
Buhay na naman ang ‘RAKET nina Mam at Sir.
Raffle ticket, popularity contest at educational trip kuno!

-----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home