Wednesday, February 08, 2012

CONSTITUTIONAL CRISIS? COUP D' ETAT ME

TULAD ng inaasahan, nagkaletse-letse na ang impeachment proceedings.
Nagtakbo na ang depensa sa Supreme Court upang humingi ng INTERPRETASYON sa BATAS.
Kapag “interpretation of law”, walang ibang AWTORIDAD kundi ang KORTE SUPREMA.
Yan ang malinaw na itinatadhana ng Konstitusyon.
Walang sinasabi sa Konstitusyon na ang Impeachment Court ay may KARAPATAN na mag-INTERPRET ng batas.
Batay sa Konstitusyon, SOLE AUTHORITY lamang ang Impeachment Court na DINGGIN o magsagawa ng pagdinig at desisyon batay sa REKLAMO ng impeachment.
Ibig sabihin, may karapatan lamang ang SENADO mag-convene bilang impeachment court, kung magsasagawa ng “TRIAL OF FACTS”, pero hindi sa isyu ng “QUESTION OF LAW”.
Napakalinaw yan.
Iyan marahil ang tinitignan ng depensa kung bakit sila nagpasaklolo sa Korte Suprema.
Sa hindi ordinaryong okasyon, MAGKASABAY nag-kumperensiya ang mga SENADOR sa Impeachment Court at mga mahistrado naman sa Supreme Court upang makapag-desisyon sila nang MALINAW at SOLIDO—kaugnay ng “interpretation at question of law” .
Tiyak na madidiskaril ang impeachment proceedings.
Kung nag-walkout ang prosekusyon sa impeachment trial kay Pareng Erap, natutulak sa pader ang mga defense lawyer na mag-WALKOUT din.
Ano ngayon ang kauuwian kapag naganap ang ganyang SENARYO?
Iisa lang ang sinasabi ng mga nagmamasid.
Maaaring KUMILOS ang PUNONG EHEKUTIBO na si PNOY upang ipa-aresto ang hindi SUSUNOD n autos ng IMPEACHMENT COURT.
Pag nagkaganyan, ang SUPREME COURT ay SASAPAWAN ng IMPEACMENT COURT—na labag na labag sa KONSTITUSYON.
Sa ganyang problema, maaaring PUMAGITNA mismo ang ARMED FORCES of the Philippines (AFP) upang protektahan ang seguridad ng REPUBLIKA ng Pilipinas.
Sa madaling salita, nanganganib na ideklara ang BATAS MILITAR o “REVOLUTIONARY GOVERNMENT” upang magkaroon ng bagong KAAYUSAN.
Kahit walang gulo ay pupuwede naman yan.
Yun nga lang, iba na ang TAWAG diyan, “KUDETA ME”.
Huwag sana itong maganap kasabay ng kaguluhan sa MIDDLE EAST.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 09, 2012 issue, unedited; Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home