Saturday, March 24, 2012

THE GRADUATES; AND, THE TRIUMVIRATE

MAKIKIUSAP po uli at makisuyo ang inyong abang-lingkod para sa ESPASYO sa araw na ito.
ISANG hindi malilimutang yugto ng buhay ng may 32 kataong magsisipagtapos ngayon sa kursong Bachelor in Public Administration (BPA) sa Manila Hotel, Maynila ang araw na ito, Marso 25.
Kasama po ang inyong abang-lingkod na graduates ng BPA NPC-PLM OFF-CAMPUS program Batch 1 kung saan igagawad ang diploma ni Manila Mayor Alfredo Lim sa prestihiyosong hotel sa Maynila na kinabibilangan ng may 18 media practioners at 14 na government personnel.
Ang off-campus educational programs ay isang pet project ni National Press Club (NPC) Vice President Marlon Purificacion mula sa pagsuporta nina dating NPC president at ngayon ay AFIMA head Benny Antiporda; at NPC president at Alab ng mga Mamamayag (ALAM) Partylist chairman Jerry Yap.
Umabot nang mahigit isang taon ang off-campus academic program na isinasagawa ang pag-aaral sa NPC building tuwing Sabado kung saan dumadayo ditto ang mahuhusay at maunawaing professor ng PLM –CME department sa pamumuno ni Dean Neil Gamus at program director Antonio Casurao.
Isa ring graduates ng BPA off campus program si Purificacion na isa sa orihinal na field reporter n gating pahayagang BULGAR at ngayon ay isa nang haligi ng media community sa bansa.
Sa ngalan ng mga bumubuo ng PLM-NPC BPA Batch 1 off-campus program sa pamumuno ng aming PANGULO na si Alvin “Supremo” Murcia, ipinaaabot naming ang taos-pusong PASASALAMAT at PAGBATI ng CONGRATULATIONS kay Pareng Marlon na nagtapos naman ng MASTER IN GOVERNMENT MANAGEMENTS at tatanggap din ng pagkilala sa araw na ito.
Congrats at maraming salamat, Your HONOR, MARLON PURIFICACION.

-----$$$---
KUNG mayroon mang pinakamasipag at may BISYON at MISYON na lider ng mga mamamahayag sa ating bansa , isa na rito ay walang iba kundi si Purificacion na hindi lang tinitingala ng kanyang mga kasamahan sa media, bagkus ay iginagalang at minamahal ng lahat.
Ang 18 media personnel ay aktuwal pong ISKOLAR ng National Press Club (NPC) dahil sinagot at binalikat ng NPC ang lahat ng gugulin na sinimulan sa administrasyon ng noon ay president ng NPC na si Antiporda.
Sa mahabang kasaysayan ng NPC, ngayon lamang nagkaroon ng direksiyon ang pamamalakad kung saan nabibiyaan ng benepisyo ang napakaraming miyembro mula sa iba’t ibang programa.
Bukod sa OFF-CAMPUS scholarship program, nagkakaloob din ang NPC ng scholarship sa mga anak ng miyembro ng NPC at umaasiste at sumasaklolo sa pangangailangan ng mga media practioners particular sa kaso ng mga NAPATAY na mga mamamahayag.
Sa pangangasiwa ng TRIUMVIRATE nina Yap, Antiporda at Purificacion, nabuhay ang TRILOHIYA nina Dr. Jose Rizal, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena.
Sa lahat ng mga graduates ng PLM na magtatapos ngayon sa Manila Hotel particular sa mga kaklase natin sa BPA NPC-PLM off-campus program, CONGRATS po sa ating lahat.
Sa PLM executives sa pamumuno ni Mayor Lim at Rafaelito Garayblas at mga DIRECTORS ng NPC kasama ang mga graduates na sina Director Tina Maralit, Director Joel Sy Egco at Director Roniel de Guzman, sa ngalan ng ating mga klase, MARAMING MARAMING SALAMAT po sa inyong lahat.
Pinakahuli, ipinaabot natin ang taos pusong pagbati sa ating kaklase na si Ferdinand Fabella na tumanggap din ng GAWAD KARUNUNGAN AWARD na tulad ng tinanggap din ng inyong abang-lingkod—PINAKAMATAAS NA KARANGALAN ipinagkakaloob sa outstanding students sa naturang programa.
Sa lahat ng graduates, MABUHAY!!!
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar Newspaper, March 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home