Thursday, March 22, 2012

LUPA NG MANILA: IBINENTOT NG CITY HALL SA CENTURY PARK

HUMARAP sa impeachment trial si dating Manila Mayor Lito Atienza kahapon.
Ibinigay niya ang DETALYE ng pagkakabili ng City of Manila sa pag-aari ng Basa- Guidote na pinamumunuan ng misis ni Chief Justice Renato Corona.
Gustong patunayan ng DEPENSA na hindi salapi ni Corona ang NAKALAGAK sa mga bangko bagkus ay salapi ito ng KORPORASYON na pag-aari ng kanyang misis.
Bukod kay Atienza, nakahilera rin umano ang iba pang OPISYALES ng City of Manila para magpatunay ng bentahan.
Maselan yan at bahala na ang mga senador na humusga.

----$$$--
PERO, alam ba ninyo na may isa pang KASO ang City of Manila na MAS DAPAT nilang ipaliwanag higit sa kaso ng bentahan ng pag-aari ng Basa Guidote?
Opo, ito ay ang BENTAHAN ng 22, 267 square meters na kinatitirikan ng Century Park Hotel.
Alam ba ninyong nagpetisyon ang Kilusang Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) sa Manila Regional Trial Court upang ipawalambisa ang naturang bentahan sapagkat walang AKTUWAL na batas ang City Council of Manila na napagtibay upang maging legal ang bentahan?
Isang mabigat na palaisipan ito sa mga Manilenyo.

----$$$--
IBINUNYAG ni 4K secretary general Rodel Pineda na imbes na aktuwal na batas o ORDINANSA ang magpapahintulot sa transaksiyon at bentahan, simpleng Resolution 278 lamang ng City Council of Manila noong Disyembre 2008 ang ginamit na sangkalan.
Binigyan-diin ng 4K na ang simpleng resolusyon ay katumbas lamang ng OPINYON ng konseho taliwas sa BISA ng isang ORDINANSA na kinakailangan ang masusing deliberasyon at aabot sa THIRD READING bago mapagtibay.
Dahil ditto, ang bentahan sa lote na kinatitirikan ng Century Park Hotel ay labag sa batas kung saan malinaw ditto ang interpretasyon mismo ng Korte Suprema na nagsabing kailangan ang ORDINANSA sa alinmang traksiyon sa bentahan ng ARI-ARIAN NG GOBYERNO.

-----$$$--
KUNG sa simula pa lamang ay labag na batas ang naturang bentahan, malinaw ditto na WALANG BISA ang transaksiyon na pinasok ng City of Manila at Maranaw Hotels and Resort Corporation na nagmamay-ari sa Century Park noong Agosto 24, 2009.
Sa tingin natin, matapos magpaliwanag ang mga City officials ng Maynila sa Impeachment Court, ipaliwanag din nila sa MAMAMAYAN NG MAYNILA—ang naturang kaduda-dudang transaksiyon na umabot ng dambuhalang P1 BILYON.
Iyan ay kung hindi MAIIMPLUWENSIYAHAN ang Korte nakabase mismo sa Maynila.
He, he, he.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, March 23, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home