Thursday, March 22, 2012

LIHIS NA DOKTRINA

USAP-USAPAN pa rin ang P8.50 na bagong bayad sa pasahe dyip.
Nagpetisyon na rin ang mga operators ng taxi at bus.
Walang duda, maaaprubahan din yan.
Pero, dedma lang ang awtoridad sa P90 at P125 na dagdag na suweldo kada araw na hinihiling ng mga obrero.
Nakapagtataka namang nakapokus pa rin ang mga union ng mga manggagawa sa DAGDAG SUWELDO gayung alam nilang imposibleng maibigay ito.
Nalimutan nila ang mas mahalagang ASPEKTO ng micro economy o home economics kung saan, hindi lang dapat umasa ang mga obrero sa suweldo bagkus ay sa iba pang oportunidad na makalikom ng salapi na panggastos sa araw-araw.
Masyadong nakapako o naikahon ang utak ng mga lider obrero sa “suweldo” bilang tanging pinagmumulan ng kabuhayan at nalimutan nila may iba pang mahalagang bagay tulad ng PERMANENTENG TRABAHO o regularisasyon at pagsisimula ng MUNTING NEGOSYO na pang-dagdag kita ng mga obrero.
Dapat ipakipaglaban ng mga obrero ay ang paglaban sa PESTENG KONTRATUWALISASYON particular sa mga kompanyang pag-aari ng mga SAKIM NA NEGOSYANTENG nagyayabang na nakahanay sa FORBES MAGAZINE , ang lathalain ng mga bilyonaryo sa mundo.
Higit na dapat ipakipaglaban ng mga obrero ay ang BENEPISYO na dapat ibigay ng SSS at GSIS kung saan maaari silang makahiram ng KAPITAL para sa maliliit na negosyo kabilang na rin ang libreng ENTREPRENEURIAL SKILLS TRAINING na hindi nila pinapansin.
Sa totoo lang, kung si PNoy ay inakusahan ng NOYNOYING, maging ang lider ng mga obrero ay guilty rin sa naturang KATAMARAN at kahinaan ng isip kung saan NAKAGAPOS sila sa luma at lipas nang DOKTRINA ng ideolohiyang LUMASON sa kanilang PAGKATAO.
Partisipasyon sa malusog na kalakalan sa mga barangay ang susi sa pag-angat ng obrero, hindi sa SUNTOK SA BUWAN—na dagdag na suweldo.
DAGDAG na kita;hindi sa SUWELDO mula sa pagiging OBRERO , bagkus ay “GANANSIYA” mula sa pagiging MUNTING MANGANGAKAL—iyan ang susi sa pagdarahop, na PANGMATAGALAN!!!
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 23, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home