Tuesday, April 17, 2012

IDIOT'S ADVISE: GO TO INTERNATIONAL COURT

HINAMON ng Pilipinas ang China na pag-usapan ang territorial disputes sa international court.
Ano sa palagay ninyo, papayag kaya ang TSEKWA?
Sa tingin natin ay malaking HINDEEE!
Bakit?
Sapagkat ang United Nations at international Court—ay RUBBER STAMP ng Kano.

-----$$$---
ANO ang gagawin ninyo kapag hindi sinunod ng CHINA ang naturang international court kuno?
Ano ang gagawin ninyo kapag hindi sinunod ng CHINA maging ang United Nations?
Bakit ang US ba ay sumusunod sa UN?
Ang sagot ay HENDE rin.
Sapagkat ang UN ay kontra at walang BENDISYON nang SAKUPIN ng US ang Iraq.
Nagsinungaling si dating US George Bush at inakusahan si dating Iraq president Saddam Hussein na nagtatago ng weapons-for-mass destruction pero NAPATUNAYANG hindi totoo.
Pinarusahan ba ng UN ang US?
Malaking HINDI.

----$$$--
ANG UN ay hindi sumasakop sa mga superpower tulad ng US, China, Britain, France, Russia at Germany.
Ang UN ay itinayo upang IMPLUWENSIYAHAN at diktahan ang MALILIIT na bansa—at gipitin ang mga KALABAN ng super-power.
Ang UN mismo ay lumalabag sa PRINSIPYO ng ekuwalidad o equality o pagpapantay-pantay ng bawat bansa.
INUTIL ang UN sa paggarantiya sa SOBERANIYA ng mga member nations.
Ginagamit lamang ito ng US at mga kaalyado nito.

----$$$--
KUNG hinahamon ng Pilipinas ang China na dalhin ang kaso sa UN court o international court---madaling lang malaman ang sagot ng Beijing.
Malakas na HALAKHAK.

----$$$--
KAPOS sa kaalaman sa KASAYSAYAN at teknikalidad ang EHEKUTIBO ng gobyerno na nagpapayo na dalhin sa international court of justice ang isyu sa Spratlys at Scarborough Shoal.
Ang SOBERANIYA, tulad sa DEMOKRASYA—ay hindi kailanman naipapanalo sa LEGAL BATTLE.
Ang SOBERANIYA at DEMOKRASYA ay nakakamit lamang ng pagiging MATAPANG, MAKABAYAN at HANDANG IPAKIPAGLABAN ANG KARAPATAN.
Ang soberaniya at demokrasya ay hindi IGINAGAWAD, ito ay IPINAKIKIPAGLABAN at PINAGBUBUWISAN ng buhay.
Nauunawaan ito ng MATATALINO at MATATAPANG na sundalo at mga tunay na BAYANI ng Republika.
Pero, hindi ito nauunawaan ng mga BOPOL, MAGNANAKAW at NAKATUNGANGA sa pamahalaan.
-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home