Sunday, April 22, 2012

Which is a curse: (a) China's incursion; (b) PNoy presidency; (c) both



MAGPAPAALAM na sa Senado si Sen. Miriam.
Lalangawin na ang impeachment  trial.

------$$$---
UUPO na siya sa International Court.
Doon naman ngayon SASAYA.

-----$$$--
MAGIGING 13 SENADOR ang ie-elect sa 2013 imbes na 12 lang.
Pupusta tayo, kung sino ang magiging No.12 at No.13.
May kutob akong sina Atty. Koko at Migs.

-----$$$---
GUSTO ni PNoy ay KAMPIHAN ng buong ASEAN ang Pilipinas laban sa pang-aagaw ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Kumbaga, gusto ni PNoy na ang ASEAN at maging NATO, magkaroon ng MILITARY ALLIANCE.
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$--
NANGANGAHULUGAN ito na ang isyung POLITIKAL na pumepeste sa gobyerno ng  Pilipinas imbes na isyung EKONOMIYA—ay ie-export sa ASEAN CONFERENCE.
Imbes na EKONOMIYA ang pag-uusapan sa ASEAN, ang nais ng Pilipinas ay tungkol sa MILITAR at digmaan.
Yung KALOKOHAN ng mga Pinoy, ihahawa pa ang ASEAN nations.
He, he, he.

-----$$$---
SOBRANG init ng KLEMA.
Sa tingin natin ay MATUTUYO ang maraming dam hanggang Mayo.

----$$$---
DESIDIDO ang China na SAKUPIN at i-takeover ang Scarborough Shoal.
Ngayon lamang nila ito ginawa sa kasaysayan ng MARAMING nagging president ng Republika.
Isang MALAKING KAHIHIYAN ito at KAHINAAN ni PNoy.
Hindi ito nauunawaan ng mga ordinaryong mamamayan.
Isang SUMPA ito sa Inang Bayan.
May sumigaw sa likuran: “Alin o sino po ang SUMPA, yung bang pananakop ng China o ang pag-upo ni PNOY”?
Huh, itanong ninyo yan sa BUWAN!
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar Newspaper, April 23, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home