Wednesday, April 18, 2012

CHINA'S REPLY TO SONA: A SCARBOROUGH SHOAL TAKEOVER

NAGMAMATIGAS ang China sa pag-angkin sa Spratlys at Scarborough Shoal.
Bakit?
Kasi’y BISTADO na nila ang “KAPASIDAD” ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Tila napag-aralan na nila kung ano ang “BEHAVIOR, CHARACTER at DIREKSIYON” ng isip ni PNoy.
Kumbaga, nagpe-PLAY SAFE lang sila.
O kaya’y ay nakakita ng OPORTUNIDAD na hindi nila na-TSAMBAHAN sa ibang mga naging Pangulo ng bansa.
Kung ano ito, mahirap matukoy.
Sa kasaysayan ng mga AGAWAN ng teritoryo at giyera, karaniwang nagpapadala ng SPIES ang mga agresibong bansa.
Matapos, ma-evaluate o masuri ang mga DATOS na nai-SEND o nalikom ng mga ESPIYA sa kalabang teritoryo, doon sila magde-DESISYON.
Maaaring matapos pag-aralan kung anong KLASENG LIDER si PNoy, ang ginawa ng mga TSINO—ay SINAKOP ang Scarborough Shoal.
Nagmatigas ang CHINA na hindi sila aalis sa naturang teritoryo.
Binigyan din nila ng ULTIMATUM ang Philippine Coast Guard na lumayas at magsiuwi na sa Maynila.
O, sa tingin ninyo, matatapos ba yan sa DIPLOMASYA?
ANG diplomasya ay sinasagot din ng kapwa diplomasya.
Pero ang komprontasyon ay tinatapatan din ng komprontasyon.
Teka, hindi ba ninyo naaalala ang “YABANG” ni PNoy sa kanyang SONA nang isigaw nito sa talumpati na ang REED BANK ay itinuturing ng Malacanang na RECTO AVENUE.
Isang malaking PAGKAKAMALI ito, isa itong KATANGAHAN at isang PAMBOBOLA na umepekto sa FOREIGN POLICY ng administrasyong Aquino.
Ang SIMPLENG pambobola at paghahambog sa SONA—ay pinagdurusahan ngayon ng BUONG REPUBLIKA.
Hindi DIPLOMASYA ang ipinakita ni PNoy sa kanyang SONA—sa kanyang FOREIGN POLICY kaugnay ng relasyon sa China, bagkus ay isang KOMPRONTASYON.
Ito ang pinakamalaking kasalanan, malinaw na mali at maituturing na UNANG BLUNDER ni PNoy at ng kanyang mga SPEECH WRITER at foreign policy consultants.
Iyan po ang TUNAY ng ugat ng SIGALOT ngayon sa Scarborough Shoal at hindi malayong MADAMAY na rin ang SPRATLYS: Paghahambog makapambola lang sa taumbayan!!!
(EDITORIAL, , Bulgar newspaper, April 19, 2012 issue. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home