Sunday, April 22, 2012

AFP: A USELESS UNIFORM



MAITUTURING na isang sumpa ang aktuwal na pag-takeover ng China sa Scarborough Shoal.
Ano ang magagawa ng maliit na barko ng Philippine Coast Guards sa mga sopistikadong  mahigit apat na Chinese vessels?
Wala.
Magmumukhang kaawa-awa lang ang mga Pinoy.
Walang maitutulong ang US at maging ang ASEAN.
Nagpatiuna na ng pagsuko si PNoy at nabahag na ang kanyang buntot.
Matagal nang inaangkin ng China ang naturang mga isla na regular na pinangingisdaan ng mga taga-Masinloc, Zambales pero hindi sila NANGANGAHAS na palayasin ang mga mangingisdang             Pinoy.
Ngayon lamang sila NAGSISIGAW na “MAGSILAYAS kayo sa aming teritoryo” .
Hindi lamang insulto ito sa ordinaryong mamamayang Filipino bagkus ay isang SAMPAL sa Pangulo ng Republika .
Paghahamon ito  sa mga SUNDALONG nanumpa sa Konstitusyon na IPAKIKIPAGLABAN at poproteksiyunan ang PATRIMONY, SOVEREIGNTY at TERRITORY ng bansa.
Direktang ininsulto, kinutya, inismol at binastos ditto ang COMMANDER-IN-CHIEF at Pangulo n gating Republika.
Hindi kailanman ito naranasan nina dating Pangulong Manuel Roxas mula nang maging Republika ang Pilipinas.
Hindi nakaranas ng ganitong klase ng kahihiyan sina          Pangulong Elpidio Quirino,             Pangulong Carlos P.  Garcia, Pangulong Diosdado Macapagal, Pangulong Ferdinand E. Marcos, Pangulong Cory Aquino, Pangulong Fidel Ramos, Pangulong Joseph Estrada at maging ang nakakalabosong si Pangulong Gloria Arroyo.
Ang nakakaranas lamang ng pang-iinsulto ng China ay si PNoy!!!
Dahil ditto, walang dahilan ang pananatili ng coast guard sa Scarborough Shoal dahil ang isyung sibilyan ay napalitan na ng ISYUNG MILITAR.
Nasaan ang mga sundalong mas DAPAT ay nagbabantay sa teritoryo at soberaniya ng bansa.
Nasaan  ang YAGBOLS ng Commander-in-chief?
Nasaan ang matatapang na heneral na nakapatay at humahanting sa kapwa Pilipinong sesesyonistang  MUSLIM at rebeldeng NPA?
Bakit ang mga sundalo ng AFP at mga heneral ay TAMEME sa pambubrusko ng China?
Nasaan ang pinag-aralan ninyo sa Philippine Military Academy (PMA) kung saan ginastusan kayo ng salapi ng Inang Bayan?
Kayo ba ay nag-aral sa PMA upang proteksiyunan ang mga ILLEGAL LOGGERS, para asistehan ang mga ISMAGLERS at DRUG LORDS, para tulungan ang mga big time mining companies; at para  maging protectors ng JUETENG at iba pang sugal?
Ngayon natin kailangan ang mga TUNAY NA SUNDALO, wala nang iba pang araw!
Lantaran nang dinudusta ang ating Inang Bayan, pangise-ngise at nakatunganga pa rin kayo!!!
Magsipag-hubad na kayo ng UNIPORME—kung hindi rin lang ninyo gagamitin sa PAGTATANGGOL sa ating Republika na siyang itinatadhana n gating Konstitusyon at esensiya ng inyong propesyon!!!
(EDITORIAL, Bulgar Newspaper, April 23, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home