Wednesday, April 18, 2012

GESTA:AN ELORDE- PACQUIAO HYBRID

PINABAGSAK ni Mandaue legend na si Mercito Gesta si Oscar Cuero ng Columbia sa 8th round TKO.
Nananatiling walang talo si si Gesta.
Inilalarawan siya ng TOP RANK bilang susunod na yapak ni Manny Pacquiao.

-----$$$---
SA totoo lang, mas angkop na ikumpara si Gesta kay dating world boxing champion Gabriel Flash Elorde.
Una, kaliwete rin siya tulad nina Elorde at Pacquiao.
Ikalawa, pareho silang ANAK NG CEBU.
Ikatlo, lehitimong lightweight si Gesta tulad ni Elorde.
Taliwas ito kay Pacquiao na nagsimula sa flyweight bago inakyat ang kasunod na pitong dibisyon.

-----$$$--
KUNG tayo ang tatanungin, nakakahigit pa si Gesta kaysa kay Pacquiao sa maraming aspekto.
Una, WALA pang talo hanggang ngayon si Gesta.
Ikalawa, mas maayos ang paghawak ng boxing career ni Gesta kompara nang bago nakilala si Pacquiao kung saan hinihinalang “nagpatalo” sa isang laban kung saan ay naging nag-OVERWEIGHT siya sa isang kampeonato.
Ikatlo, di hamak na may DISIPLINA si Gesta dahil katorse anyos pa siya ay isa na siyang INTERNATIONAL MUAY THAI fighter.
Ikaapat, kompara kay Pacquiao na inabandona ng kanyang AMA, ang ama ni Gesta na si Pareng Anecito ang mismong NAGHUBOG at umaalay sa kanyang anak na si Mercito mula amateur hanggang sa kasalukuyan nagte-training sa United States.
Ikalima, mas may EDUKASYON si Gesta na magaan na magaan nagi-English na walang puntong SUGBUANON bagkus ay daig pa ang CALL CENTER AGENTS sa ENGLISH ACCENT.


-----$$$--
SA totoo lang, mismo si Juan Manuel Marquez ay nais labanan si Gesta sa Hulyoo Agosto sa taong ito bilang buwelo o preparasyon niya bago sagupain si Pacquiao sa IKAAPAT na pagkakataon.
Kursunada ni Marquez si Gesta kasi’y tanging ang Mandaue kid lamang ang masasabing puwedeng sumunod na yapak ni Pacman dahil bukod sa pagiging kaliwete ay isa itong lehitimong LIGHTWEIGHT.
Sakaling talunin ni Marquez si Gesta ay isang malaking PAMPALAKAS ng moral ito sa kanya.
Sa kabilang panig, sakaling talunin ni Gesta si Marquez ay maduduplika ng Cebu fighter ang record ni Pacquiao na NAGBIBILANG ng mga world class fighter na pinagreretiro sa KABIGUAN.
Sakaling talunin ni Gesta si Marquez, maaaring magkalakas ng loob si Pacman na labanan muli si Marquez na masisira na ang porma dahil mabubugbog na nang todo ito.
Kung magkagayun, maaaring magretiro si Pacman at ililipat ang TRONO sa “future tormentor” ni Marquez.
At sakaling ismolin ni Floyd Mayweather J rang panalo ni Gesta kay Marquez ay maaari ito ang HAMUNIN niya sa kampeonato imbes si Pacquiao.
Kapag sinilat naman ni Gesta si Mayweather tulad ng paninilat ni Pacman kina Eric Morales, Marco Antonio Barerra, Antonio Margarito at Oscar dela Hoya—wala nang duda na siya na ang BAGONG FLASH ELORDE at BAGONG MANNY PACQUIAO sa susunod na henerasyon sa Philippine boxing.

----$$$---
IYAN ang ipinagdarasal na maganap ng kanyang mga Pinoy fans particular ng mga kasamahan niya at ng kanyang ama na si Pareng Cito mula sa International Muay Thai Federation Philippins at Kickboxing Association of the Philippines (IAMTF-KAP) na kanyang pinagmula bago umakyat sa professional boxing.
Sa inyong mag-ama, Anecito at Mercito Gesta—CONGRATS.
Saludo sa inyo ang buong mundo!!
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper ,April 17, 2012 issue. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home