Wednesday, April 18, 2012

STRAIT OF HORMUZ FOR IRAN, CHINA SEA FOR CHINA

MAY nag-text na hindi daw dapat mabuyo ang Pilipinas na patulan ang China sa pambu-bully.
Bakit?
Sapagkat tulad sa World War I at World War II, salingpusa lang ang Pilipinas sa KOMPRONTASYON ng mga superpower.
Sa pinakahuling ulat, plano ng Iran na isarado o iparalisado ang STRAIT OF HORMUZ, dahil ditto, bumubuwelo naman ang China na iparalisado ang China Sea na regular na DINARAANAN ng mga barko-de-kargamento.
Ibig sabihin, hindi lang ang natural resources tulad ng mineral at oil deposits ang MOTIBO ng China—bagkus isa itong MILITARY STRATEGY kung saan, damay lang ang Pinas.

-----$$$---
HABANG lumalapit o nakakaramdam ng KAMATAYAN ang isang nilalang, lumalakas naman ang paniniwala sa pagkakaroon ng DIYOS.
Kasi’y matapos silang TUMANDA, lalong dumarami ang TANONG na hindi niya nasasagot.
Pero, kapag ikaw ay isang paslit at nasa kasibulan ng PAGKATAO—pisikal, isip at saykolohikal---inaakala mong ikaw ang MAY KONTROL ng lahat.
Sa bandang huli, napagtatanto mo na ikaw ay ISANG MANGMANG at hopeless sa maraming bagay.

-----$$$--
DALAWANG bagong species ng PALAKA ang natagpuan sa Pilipinas.
Ito ang iniulat ng mga BUWAYA.

-----$$$--
MALAPIT na raw matuklasan ng mga JAPANESE ang gamot sa pagka-PANOT o pagkaubos ng BUHOK.
Nagka-PAG-ASA si WALLY BAYOLA.

----$$$---
DUDA si Vice Binay sa PANGAKO ni Mar Roxas na hindi kakandidato sa 2013.
Gustong palabasin ni Binay na si Roxas ay isang DAKILANG SINUNGALING.
Kasi’y ikinumpara ang DOTC secretary kay Ate Glo na nangako na hindi kakandidato pero lumaban ding presidente nang lumaon.
Ito ay aktuwal na MITSA sa banggaang ng mga GABINETE ni PNoy.

----$$$---
INAMIN ng PNP na dumarami ang kaso ng PAGNANAKAW.
Sa wakas.
Sa totoo lang, paulit-ulit natin yang BINABANGGIT sa kolum na ito.
Pero, ngayon lang INAMIN ng pulisya.
Ganyan sila KAPALPAK kung kailan GRABE—saka lang nila NALALAMAN
Tsk, tsk, tsk.


-----$$$----
USONG-USO ngayon ang reunion.
Hindi nagpahuli ang Bulgar addict na alumni ng Sta Ana Elementary School, Batch 70 sa M. Roxas St., Sta Ana, Maynila sa Gerry Grills sa SM Manila kamakalawa.
Taliwas sa ibang party activities, tinalakay nila ang aktibidad ng grupo sa Disyembre 2012 at Gift Giving para sa kanilang mga dating kaklase na “kapos sa buhay” less fortunate members.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina Rolly Catoy, Aida Guevarra, Felipe Ramos, Allen Ellazegui, Sonia Montero, Engr. Tess Morales, Grace Francia, Edwin Castillo, Francis Scarella, Yolly Legaspi at Abetg Recongco na pawang mga BULGAR subscribers.
Sa iba pang miyembro, maaari kayong makipag-ugnayan kay Aida sa selpon, 09178411420.
Salamat po.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, April 19, 2012 issue. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home