Tuesday, April 17, 2012

BADLY NEEDED:PATRIOTS, NOT US TROOPS!

MALAKI ang tama ang mga nagsasabing: Hindi kailangan ang TULONG ng US troops sa pang-aagaw ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Bakit?
Una, hindi naman Filipino ang mga KANO.
Ikalawa, hindi naman KOLONYA ng US ang Pilipinas.
Ikatlo, isang non-aligned nation an gating Republika.
Ikaapat, duwag ang mga Kano, ipapahamak lang tayo ng mga iyan.
Ang tanong: Sino ang dapat tumulong sa Philippine Navy laban sa Chinese vessels?
Tama po kayo: Ang Filipino lamang ang maaaring tumulong sa kapwa Filipino.
Ang panghihimasok ng US sa sigalot ay magpapalala lamang ng sitwasyon.
Pero, paano tutulong ang ordinaryong Pinoy sa naturang gusot?
Una, dapat nang iimbentaryo ng AFP ang lahat ng kanyang resources.
Ikalawa, maglunsad ng malawakang rehistrasyon ng RESERVE FORCE.
Ikatlo, magsagawa ng civilian training upang ihanda ang mga populasyon sa anumang krisis particular sa pagtatanggol sa teritoryo.
Ikaapat, ipasok sa KURIKULUM sa eskuwelahan ang asignaturang FILIPINO IDEOLOGY kung saan paiigtingin sa PUSO, ISIP, at KALULUWA ng bawat isang mamamayan ang PAGMAMAHAL sa bayan, paglalaan ng buhay o pagbubuwis ng buhay laban sa MANANAKOP; at ipaliwanag ang teknikal na dahilan kung bakit nananatiling TERITORYO ng Pilipinas ang SPRATLYS at SCARBOROUGH SHOAL.
Sa ngayon, ang kaisipan ng kabataan ay nilamon ng cyberculture imbes na manatiling nagmamahal sa BAYAN at KULTURA.
Hindi pa huli ang panahon, dapat nating SAKLOLOHAN ang Philippine Coast Guard na regular NANG MANANATILI sa gitna ng CHINA SEA—sa susunod pang daang siglo n gating henerasyon.
Kailangan natin ang MATATAPANG na sundalo at mga PATRIOTIKONG mamamayan—hindi kailanman ang US TROOPS!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home