Wednesday, April 11, 2012

ZAMBALES STANDOFF:OBAMA HELP, HELP!!!

STALEMATE o deadlock ang WARSHIPS ng China at Pilipinas sa Scarborough Shoal.
Ngayon kailangan ang SUPORTA ng mga MAMAMAYANG PINOY.
Ngayon kailangan ang TAPANG ng mga SUNDALO.
Nasaan na ang MAGDALO?
Nasaan na an glider ng mga kudeta?
Nasaan na ang mga MILITANTE?
Nasa na ang mga NAGKUKUNWARING makabayan?
Nasaan na ang US TROOPS?


----$$$--
NAKATAKDA mismo ang RP-US MILITARY exercises mismo sa naturang teritoryo ng Scarborough Shoal.
Sa tingin natin, iisa ang MENSAHE NG CHINA sa gobyerno ni PNoy:
Tingnan natin kung ANO ang MAITUTULONG NG KANO sa aktuwal na STANDOFF na nararanasan ngayon?
Dapat ay manahimik ang Malacanang.
Antayin natin ang OPINYON ni US President Barrack Obama.
Hindi pinag-uusapan ditto kung MAS MALAKAS o hindi ang puwersang military ng China o Pilipinas.
Ang isyu ditto ay kung GAANONG KATAPANG ang yagbols ng mga sundalong nagdedepensa ngayon sa Pilipinas.
Dapat silang parangalan, sakaling matapos ang STANDOFF.

----$$$--
MASUSUKAT naman natin ngayon kung NAMBOBOLA lang ang mga Kano.
Malalaman natin kung ANONG KLASE ng AYUDA ang maibibigay ng KANO sa ganitong klase ng problema.
Sa personal nating opinion, DUDA tayo kung makaka-ASISTE ang Kano sa Pilipinas sakaling UMINIT ang tensiyon.

-----$$$--
KASABAY ng mainit ng girian ng China at Pilipinas, papasabugin naman ng North Korea ang ROCKET na maghahatid sa Satellite.
Kabilang ang pinag-aawayang SCARBOROUGH SHOAL sa posibleng tamaan ng DEBRIS.
Ngayon kailangan ang TAPANG ni PNoy o BOKADURA ni Pinoy na ginamit niya sa pagkondena sa North Korea.
Ngayon TALAKAN ni PNoy ang China na KUMORNER sa barko de giyera ng Pilipinas.
Makikita natin ngayon kung NAMBOBOLA lang o talagang MATAPANG si PNOY.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, April 12, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home