Tuesday, May 15, 2012

BANANA AT ADOBO


MALAKING balita:
BANANA ng Pinoy BINASTED ng Tsekwa.
BANANA ni PNOY DINEDMA ng Koreana.
Iyan ang ulat mula sa BANANA REPUBLIC.

-----$$$---
PAREHONG idineklara ng China at Pilipinas ang FISHING BAN sa Scarborough Shoal.
Siyempre, kasi’y MALALAKI na ang ALON sanhi ng TAG-ULAN.
Baliw ba kayo, sino pa ang mangingisda doon!!!
Pati barko-de-giyera ay MAWAWASAK din.

-----$$$---
IBINISTO na ni PNoy ang kanyang SALN.
Imbestigahan din kaya siya ng AMLC at Ombudsman?
He, he, he.

-----$$$---
IPATATAWAG ng impeachment court ang SIYAM na bank managers.
Ito ay upang MAKUMPIRMA ang 82 bank accounts na ibinunyag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Meaning, hindi pa KUMPIRMADO ang expose.
Ikukumpirma pa lang.

-----$$$---
GUSTONG gusto na ni Ate Glo na mag-abroad para makapagpagamot.
Naiinggit siya sa KUTIS ni Pareng Erap na nagpa-STEM CELL.

-----$$$---
NAG-PREACH na rin ng BIBLE si Manny Pacquiao sa US.
Hindi kaya pag TINAMAAN siya ng suntok ni Tim Bradley  sa KALIWA ay ibigay din niya ang KANAN?

-----$$$---
MAY ulat din na maging si PNoy ay nag-iisip na mag-PARI na lang.
Aba’y kung susundan niya ang yapak ni Pacquiao, dapat ay mag-BOKSING muna siya.


----$$$---
MARAMI ang natuwa nang malaman n gating mga suki na MAHILIG magluto ang inyong lingcod.
Ano ba ang paborito nating iluto?
Sa totoo lang, nang nasa bukid tayo, marami kaming alagang BIBE (duck).
Iba po ang BIBE sa itik at iba rin ito sa  PATO  o GANSA.
Ang BIBE ay mas malaman (mas may karne o mas may masel)  kaysa sa ITIK.
Ang ITIK ang siyang nangingitlog na pinagmumulan ng BALOT at ITLOG na maalat.
Payat ang itik at walang laman bukod sa MALANSA ito.
Nakapokus kasi sila sa PANGINGITLOG at isinuga o ipinapastol sa BUKIRIN upang doon manginain nang LIBRE.
Pero, sa ngayon, bibihira na ang nagpapastol ng ITIK sa matataong lugar.
Bakit?
Kasi’y NINANAKAW ng mga residente ang ITIK at inaaway ang nagbabantay.

----$$$--
ANG GANSA o PATO ay yung mas kahawig ng PEKING DUCK na may MAHABANG LEEG at malaman sa karne. Ito ang ini-IMPORT o INIISMAGEL ng China papunta sa Pilipinas, ito rin ang ibinebenta at niluluto nang masarap sa mga CHINESE restaurant.
Ang BIBE ay katamtaman lang ang laki pero mas malaman, tulad ng GANSA.
Ito ang alaga namin sa bukid sapagkat hindi maselan sa pagkain.
Yung mga  HUGAS-BIGAS at mumo sa hapag kainan—ay sapat nang buhayin ang mga bibe. Mahirap mag-alaga ng sisiw ng bibe tuwing tag-ulan sapagkat kapag NABASA ng ulan  ang SISIW, hindi nakakaya ng sisiw na BUHATIN ang kanyang sariling ulo at namamatay.
ADOBONG BIBE ang minaster ko.
Ako mismo ang kumakatay. Tinitigpas ko ang ulo, taliwas sa manok na ginigilitan lamang ang leeg.
Takot ang mga kapatid ko na kumatay ng bibe sapagkat NAKAKARIMARIM—kasi’y pupugutan mo talaga ng ulo—at ihahagis sa malayo.
Kahit wala nang ulo ang BIBE, magpupumiglas ito na tila BUHAY NA BUHAY pa at hinahabol ang PUMUGOT sa kanya. Unti-unting manghihina ang bibe hanggang sa SUMINOK ito ng HULING TIGOK—dedbol na siya.
Magpapakulo ako ng tubig upang gamitin sa paghimulmol ng kanyang balahibo bago iatado.
Pag nasimot ang balahibo, hihilamusan ko ng ASIN upang masimot ang mumunting himulmol.

-----$$$--
PAR mawala ang LANSA, pakukuluan ko muna sa           TUBIG na maraming suka. Presto, tanggal ang lansa.
Tapos, iluluto ko na siya ng estilong ordinaryong adobo—suka, toyo, asin, sibuyas, maraming bawang, luya, vetsin, paminta, dahon ng laurel—papalambutin siya ditto sa matinding kulo.
Pag lumambot, doon na ang diskarte, aalisin mo ang sabaw.
Yung sabaw, papalitan mo ng MANTIKA upang maiprito hanggang sa PUMULA ang karne.
Presto, mayroon ka nang ADOBONG TUYO (walang sabaw).
Pero, kung gusto mo nang masarap, marami kang opsiyon.
Yung tuyong adobo, puwedeng BUHUSAN mo ang isang BOTE ng ketchup—wala nang iba pa at pakuluan ditto. Isang resipe  na yan malapit sa kaldereta.
Ikalawa, imbes na KETCHUP, puwede ring PINEAPPLE , yung juice na may MALILIIT na pinya o katamtaman ang laki. Resipe yan na tulad ng manok na may pinya!
Ikatlo, puwede ring imbes na ketchup o pineapple, ay tambakan mo ng LIVER SPREAD at konting CREAM—yan ang UBOD NANG SARAP.
Sa tatlo o apat na RESIPENG  yan, kung gusto mo nang may dagdag na SARSA o sabaw, ibalik mo lang ang inalis mong ‘naunang sabaw”—komporme sa gusto mong labnaw o lapot—yan ang ADOBO ng aking INANG TALIA na tanging sa akin lang IPINAMANA.
Yammm, yammm. Yam!!
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, May 16, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home