Wednesday, May 16, 2012

Ombudsman: As usual, an attack dog


NAGKABISTO-BISTO na ang modus sa impeachment trial.
Gumaganda ang DIKDIKAN ng utak.

-----$$$---
GUSTO raw ni Vice Binay na maglagay ng MARTIAL LAW museum.
Matagal nang MAYROON niyan.
Pero ang mga LAMAN nito ay mga MAGAGANDANG nagawa ni Makoy.

-----$$$---
MAGANDANG ituloy ni Binay ang kanyang proyekto.
At ituloy din ng mga maka-MARCOS ang kanilang MUSEUM.
Tingnan natin kung alin ang MAS MARAMI:
Ang negatibo ba o positibong NAGAWA ni Apo Makoy sa ating Republika?

----$$$--
NAHATULAN nay an sa nagdaang senatorial election eh.
Natalo sa huling senatorial election—ang mga MILITANTENG KRITIKO ni Makoy.
Pero si Sen. Bongbong Marcos ay MATATAG sa IKAPITO—sa 12 nanalong senador.

----$$$--
BREAK na raw sina PNoy at  Grace Lee.
Kitam, nag-GAMITAN lang sila.
Pinaka-Marangyang naging “kasangkapan” sa Palasyo.

----$$$---
TULAD sa Super Executive na si PNoy, super- Ombudsman naman si Conchita Carpio Morales.
Parehong INAABUSO nila ang Konstitusyon.
Dapat nilang IGALANG ang      Kamara at Lehislatura.

-----$$$---
HINDI nalalayo si Morales sa mga NAUNANG ombudsman na sina  Aniano Desierto, Simeon Marcelo, Merceditas Gutierrez at ngayon ay si MORALES.
Pare-pareho sila ATTACK DOG ng mga nauupo sa Malacanang.

----$$$--
KUNG ang Ombudsman ay nagpapadikta sa SUPER-EXECUTIVE, malayang makakatakas sa IMBESTIGASYON—ang mga KRONI, KAMAG-ANAK at kaibigan ng mga nauupo sa Malacanang.
Ang pinakamabigat na KASALANAN ng mga nauupong OMBUDSMAN, nagpapagamit sila sa BENGGANSA POLITIKAL.
Hina-HARRASS nila ang KRITIKO at kalaban ng administrasyon.
Sapagkat “abusado, biased at corrupt” ang OMBUDSMAN, paano mareresolba ang TALAMAK na graft and corruption na ang mga SUSPEK—ay “KAPANALIG” ng mga may KONTROL sa gobyerno.

----$$$--
HINDI  natin sinisisi ditto si PNOY—bagkus ay ang mismong KONSTITUSYON.
Kasi’y WALANG PROBISYON sa  Saligang batas kapag umaabuso ang SUPER-EHEKUTIBO, SUPER-OMBUDSMAN—gamit ang nadidiktahang KAMARA.
Wala kasing probisyon sa Saligang Batas kapag “pinaglaruan” ang impeachment proceedings pabor sa mga may KONTROL sa gobyerno.
Pag nawala sa Malacanang si PNoy—siya naman ang PAGHIHIGANTIHAN at BEBENGGAHIN ng kanyang mga PINAGHIGANTIHAN.
Walang katapusang KABULASTUGAN.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 17, 2012 issue. Cc: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home