Thursday, May 17, 2012

OBAMA BINIGWASAN NI PACQUIAO


BINAWI ni 8-Division world boxing champion Manny Pacquiao ang kanyang pagkontra sa paninindigan ni US President Barrack Obama na kumukunsinte sa relasyon at pagpapakasal ng dalawang tao na may parehong kasarian.
Malinaw ang naunang posisyon ni Pacquiao kung saan sumipi siya ng sitas sa banal na kasulatan kaugnay ng KARUMAL-DUMAL na relasyon ng dalawang nilalang na may parehong kasarian.
Ang malungkot binawi ni Pacman ang ulat kung saan  kinontra niya si Obama sa pagsasabin na-misquote siya.
Hindi natin masisisi si Pacquiao kasi’y maaaring makainitan siya ng mga Kano at maaaring iboykot ang kanyang mga laban particular ang nakatakdang sagupaan nila ni Timothy Bradley.
Isang maselan sitwasyon kasi ang pinasok ni Pacquiao dahil  “maraming larangan” ang kanyang ginagalawan, magkakaroon lang siya ng komplikadong buhay at maaapektuhan ang kanyang prayoridad.
Hindi nalalayo si Pacquiao kay San Pedro na binawi at tinatwa rin ang kanyang pagkakakilala kay Hesukristo.
Kung ang kanang kamay ni Jesus ay nagtatwa, si Pacman pa kaya na ngayon lamang nakahawak ng bibliya?
Sa totoo lang, dapat paninindigan ni Pacquiao ang kanyang OPINYON na masama at ipinagbabawal sa bibliya ang relasyon ng babae sa babae at lalaki sa lalaki.
Ginunaw ang Soddom at Gomorrah dahil sa nakasusulasok na pakikipagseks ng mga lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae.
At hindi masamang suportahan ni Pacquiao ang mismong DOKTRINA ng Simbahang Katoliko at maging kung ano ang isinasaad sa banal na kasulatan.
Dapat munang isaisantabi ni Pacquiao ang bibliya kung hindi rin niya kaya’t IPANGARAL at IPAKIPAGLABAN ang mga isinasaad ditto.
Payong kapatid: Mag-BOKSING na lang muna siya!!!
(EDITORIAL  NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May  18, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home