Friday, June 15, 2012

BOLANG AGRARYO


INIUTOS  ni         PNoy ang full implementation ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Pero, hindi ba ninyo napansin, walang ESPESIPIKONG executive order ang nilagdaan.
Ibig sabihin, “in general” o pangkalahatan lang ang utos sa mga pabalita.
Malinaw na pambobola lang ito, sapagkat wala namang kongkretong direktiba upang ipatupad ito.
Iniwasan din sa PABALITA na banggitin ang tungkol sa pamamamahagi ng Hacienda Luisita.
Dapat ay nilagdaan niya ang isang direktiba diretso kay Agrarian Secretary  Virgilo de los Reyes, Justice Secretary Leila de Lima at iba pang ahensiya tulad ng Land Registration Authority (LRA)  upang PABILISAN ang paglilipat ng titulo mula sa kanyang mga KAMAG-ANAK tungo sa mga magsasaka.
Mayroon ba kayong narinig o nakita na ganyang direktiba?
Hangga’t hindi tuwirang pinamamadali ni PNoy ang pagkakaloob ng sari-sariling titulo sa tenants ng  Hacienda Luisita, mahirap paniwalaan ang ganyang hilaw na pangako.
Ibinunyag kasi mismo ni Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo na ang PNOY ADMINISTRATION       ang  may pinaka-PALPAK na record kung pag-uusapan ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.
Malinaw na ang achievement ni PNoy sa larangang AGRARYO—ay PABALITA lamang o simpleng PAMBOBOLA—hanggang ngayon.
Dapat ay ilathala nila o ilantad kung gaano kalaking lupa  at  ilan magsasaka ang nabigyan na ng titulo  sa NAGDAANG TATLONG taon niya sa panunungkulan.
Imbes na mag-ulat ng bilang na nabiyayaan, NANGAKO lamang ang Malacanang.
Na naman!
(EDITORIAL  NI KA AMBO , Bulgar newspaper, June 16, 2012 issue. UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272) 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home