Thursday, June 14, 2012

PILIAN SA CJ, MAPERDER DIN KAYA?



NAPAKAHABA ng palitan namin ng text ng batikang komentarista na si Ka Popo Villanueva kahapon.
Tulad sa marami nating tagasubaybay, isa siya sa naglista ng ating cellphone number.
Tulad din sa iba, inamin niya na nagki-clippings siya ng sipi ng ating KOLUM  sapagkat sinusubaybayan niya ang maseselang posisyon at opinyon natin partikular sa larangan ng politika, lipunan at maging sa relihiyon.
Nananatili pa rin matalas ang isip at argumento ni Ka Popo.
Sa totoo lang, isa siya sa ating idolo dahil matagal siya nagbabad sa radyo at ako naman ay nakatunganga sa kanyang mga komentaryo sa mga panahon tayo ay nakabakasyon mula sa 10 taong pagtatrabaho o pagseserbisyo sa pamahalaan.
Nang makabalik tayo sa trabaho, hindi ako nagbalik sa gobyerno—at dito na tayo napadpad sa larangan ng pamamahayag.
Sa totoo lang, pareho kaming LIDE-KABATAAN ni Ka Popo, pero siya ay nasa unahang linya ng mga KABATAANG LIDER sa nagdaan at kasalukuyang panahon.
Unti-unti nang hinahatak siya ng panahon, pero ang talas ng isip at PAGMAMAHAL sa bayan ay lalong nagpapa-GANDANG LALAKI sa kanyang mga opinyon at paninindigan.

----$$$--
MAY panahong nagkasama kami nang matagal dahil hindi lang siya isang simpleng lider, bagkus siya ay isang epektibong TAGAHUBOG ng mga lider sa hinaharap at INSPIRASYON ng mga  nagmamahal sa bayan.
Hindi natin malilimutan tuwing hihimigin niya ang makabayang awiting “BAYAN KO” nang AKAPELA, hindi niya napipigil ang luha na nag-uunahang dumadalisdis  sa kanyang pisngi na sumasabay sa hikbi ng mga katagang nagpapahiwatig ng matinding PAG-IBIG sa tinubuang lupa.
Ako naman ay hindi mapigil na maluha pero pinapahid ko agad ng panyolitong kulay pulang ginagamit ko ring pantakip sa init ng araw sa Bundok Makiling.

-----$$$---
NAIS ni Ka Popo na mabigyan ng impormasyon ang lahat kaugnay ng posibleng maupo na susunod na punong mahistrado matapos mapatalsik si Renato Corona.
Narito ang mga pangunahing aspirante--eskuwelahan; grado at puwesto  sa bar examination;  at taon ng pagkuha.
Una--Antonio Carpio, UP, 85.7 percent, 1975, No. 6.
Ikalawa—Presbitero Velasco, UP, 89. 85 percent, 1971, No.  6.
Ikatlo—Arturo Brion, AdMu, 91. 65, 1974, No. 1.
Ikaapat—Francis Jardeleza, UP, 88.35, 1974, No. 3.
Ikalima—Leila de Lima San Beda, 86. 26, 1985, No. 8.
Ikaanim—Cesar Villanueva, AdMu, 90.15, 1981, No. 3.
Iyan po ay kalahati lamang sa 12 NOMINADO na kinabibilangan din ni Kim Henares ng BIR at pinakahuli kahapon ay si Frank Chavez.
Pahabol ni Ka Popo,  iilan lang ang  naging CHIEF JUSTICE  na HINDI BAR TOPNOTCHER—at kasama dito si Corona.

-----$$$--
SA mga opinyon, kapag umiral ang DUGONG ATENISTA ni PNoy—alam na ninyo kung sino-sino ang pipiliin.
Kapag umiral ang ilang kaibigan, maaring piliin naman ang mga taga-UP.
Kapag umiwas siya sa Ateneo at UP, alam na ninyo kung sino ang puwedeng SUWERTEHIN.
Pero kapag TINOTOO niya ang PIPILI siya ng BATAMBATA at hindi UUGOD-UGOD—alam na rin niya kung sino ang kanyang BEBENDISYUNAN.
Ibinigay natin yan mula sa kontribusyon ni Ka Popo, upang maging masigla ang pagsali ninyo sa mga BALIKTAKAN sa barberya, parlor at palengke.
Marami rin ang nag-text, huwag sanang maperder o ma-tiyope ang DESISYON—yung sanang DESERVING ang maitalaga ni PNoy.
Siyangapala, hindi po kasama si Manny Pacquiao sa PINAGPIPILIAN.
(BISTADO ni Ka Ambo column, Bulgar newspaper , June 15, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home